Wednesday , July 17 2024

Ria inaming matagal din bago minahal ang sarili — Just do things to make you healthy

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG Kapamilya actress na si Ria Atayde ang 2023 Calendar Girl ng White Castle Whisky na ang kanyang adbokasiya ay ang body positivity.

Ipinakilala si Ria bilang White Castle Girl sa isang mediacon na ginanap last Jan. 17 sa  Pandan Asia Cafe, Limbaga St., Tomas Morato Quezon City.

Sobrang saya at thankful si Ria na maging parte ng White Castle Whisky family at maihilera sa mga dating calendar girls nitong sina Lorna Tolentino , Carmi Martin , Cristina Gonzalez, Aubrey Miles, Glydel Mercado atbp..

Ayon kay Ria, “I was so touched. Very excited to show to the people our campaign. Big girls don’t usually get the chance to do this. It’s really about embracing your body.

“Beauty goes in all forms and sizes. You can be wholesome and sexy. You don’t have to show more skin to be sexy. You just have to show your confidence.” 

Aprubado sa mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde ang pagpo-pose ng sexy ni Ria sa kalendaryo ng White Castle Whisky. Maging ang kanyang nakakatandang kapatid na si Quezon City District 1 Congressman and actor na si Arjo Atayde ay aprubado rin sa ginawa ni Ria.

When this was pitched to us, andoon din ang parents ko. Hinahayaan na nila ako to decide. There was no discussion. 

“Supportive silang lahat. The whole point of this calendar is really about being confident.” 

Nagbigay din ng payo si Ria sa mga taong biktima ng body shaming.

“Kaya niyo ‘yan. It took so long for me to get to a point bago ko mahalin ang sarili ko. Just do things to make yourself healthy. 

“You don’t have to look in a certain way. Focus on yourself. Tune off the noise. 

“I work out not because I hate my body but because I want to be healthy. It’s a matter of turning off the noise. People will sure have a lot to say. 

“Love your body and everything will follow. It’s about love. Also, it’s valid na ma-conscious tayo. But you just have to turn off the noise.

“Things are going so well in my career. Right now, I’m enjoying how my career is going. You don’t have to follow certain timeline,” pagtatapos ni Ria.

About John Fontanilla

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …