Tuesday , April 23 2024
Jos Garcia

International singer Jos Garcia magiging busy ngayong 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGANDA ang pasok ng 2023 sa international singer at 13th Star Awards for Music Female Acoustic Artist of the Year awardee na si Jos Garcia dahil sunod-sunod ang blessings na dumarating sa kanya.

After nga ng natagumpay niyang paglibot sa buong Pilipinas last year para i-promote ang ineendosong Cleaning Mama’s, maraming proyekto ang nakatakda niyang gawin ngayong taon.

Isa na rito ang pagkanta ng themesong ng inaabangan at controversial movie na The Revelation ni Direk Ray An Dulay na pinagbibidahan nina Ana Jalandoni, Aljur, at Vin Abrenica under Handheld Productions ni Ms Kate Javier. 

Si Jos mismo ang nag-compose ng theme song ng The Revelation.

May bago ring awitin si Jos na gawa ni Maestro Rey Valera na sisimulan na niyang i-record ngayong buwan. Isa na rin itong member ng Filscap.

Nakatakda rin itong bumalik ng Japan si Jos para sa kanyang mga naka-line-up na shows sa iba’t ibang sikat na clubs sa Japan.

About John Fontanilla

Check Also

Shiena Yu Reina Castillo Yuki Sakamoto

Shiena, Reina, Yuki palaban walang pinipiling lugar kapag ‘nag-init’

COOL JOE!ni Joe Barrameda NALOKA ako sa cast ng Wanted Girlfriend ng Viva. Ito ay sina Shiena Yu, Reina …

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

Elle Villanueva Derrick Monasterio Kristoffer Martin

Anak ni Elle Villanueva sino ang ama?

RATED Rni Rommel Gonzales #TeamAlex o #TeamSeb ba kayo? Kasing init ng summer ang palitan …

Angel Leighton

Angel Leighton liligwakin na?

RATED Rni Rommel Gonzales MABIGAT ang eksenang hinarap ni Sparkle artist Angel Leighton sa kanyang role bilang …