Sunday , April 28 2024
Vivamax Erotica Manila
Vivamax Erotica Manila

Bagong serye sa Vivamax tiyak na pag-uusapan 

ISANG bagong series ang tiyak pag-uusapan ng lahat dahil sa dala nitong kontrobersiya at kaakit-akit na mga eksena. Maghand na para sa rough, hot, at wild experience mula sa pinakabagong offering ng Vivamax, ang Erotica Manila.

Ang Erotica Manila ay isang four-part Vivamax Original Series na may apat na kuwento tungkol sa iba’t ibang sexcapades na pwedeng ma-experience sa Metro Manila. Isang series na idinirehe ni Law Fajardo at mapapanood simula January 29, 2023, streaming exclusively sa Vivamax.

Ang unang episode, ang Cinema Parausan na pinagbibidahan nina Azi Acosta at ng Gawad Urian nominated actor na si Alex Medina

Kuwento ito tungkol sa isang film buff na nagpunta sa isang lumang cineplex para manood ng classic erotic film. Sa pagdating niya sa sinehan, matutuklasan niya na bukod sa pagpapalabas ng erotic films ay may mga sex worker din doon na nag-aalok ng extra service para sa mga manonood. Pati siya ay ma-o-offeran ng panandaliang kasiyahan na hindi niya matatanggihan.  

Girl 11 ang title ng kasunod na episode na pinagbibidahan naman nina Josef Elizalde at Cara Gonzales. Kuwento ng lalaking news writer na nagpunta sa isang massage parlor na nag-aalok ng special service para matakasan ang mga iniisip at problema sa buhay. Pipila para pagpilian niya ang grupo ng kababaihan at dito niya makikita si Girl #11.  Susulitin niya ang ibinayad at magkakaroon ng mapusok at mainit na gabi kasama ang napiling babae. Pero sa pagitan ng lahat na ito ay may sikretong pinaparating ang mga halik ng babae.

Pangatlong episode ang The MILF and the OJT, na bida sina Vince Rillon at ang multi-awarded actress na si Mercedes Cabral. Isang middle-aged sexy star na unti-unti ng nalalaos ang nasa isang kilalang apartment para mag-shoot ng pelikula. Rito niya makikilala ang isang binatang production intern na papasok sa loob ng kanyang unit. Sa paglabas ng binatang intern sa kuwarto ng sexy star ay may bago at kakaibang sexual experience na itong naranasan.  

Ang pang-apat at panghuling episode ay ang Death by Orgasm, na pinagbibidahan nina Felix Roco, Alona Navarro, at Benz Sangalang. Babawian ng buhay ang isang lalaki matapos madesgrasya habang nagtatago sa ilalim ng kama ng mag-asawang nasa gitna ng intense love making.

Mula sa Viva, panoorin ang apat na magkakaiba at kakaibang mga kuwento na may mga nakaiintrigang bida. Muling mag-iinit ang paligid sa Erotica Manila, streaming exclusively sa Vivamax simula sa January 29, 2023. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …