Sunday , November 17 2024

Ed Moreno

Wanted na manyakis nahoyo sa Pasig

arrest, posas, fingerprints

HIMAS-REHAS ang isang construction worker na wanted sa kasong Act of Lasciviousness nang maaresto ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig, nitong Biyernes ng hapon, 4 Pebrero, sa lungsod ng Pasig. Sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, kay P/BGen. Rolando Yebra, direktor ng Eastern Police District, kinilala ang nadakip na si Ace Villena, 24 anyos, construction …

Read More »

Top 5 MWP, carnapper huli sa Rizal

arrest, posas, fingerprints

NASAKOTE ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal, nitong Martes ng umaga, 1 Pebrero 2022. Kinilala ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PPO Director, ang naarestong suspek na si Jerry Obinguar, 29 anyos, residente sa M.A. Roxas St., Brgy. Bagumbayan, sa nabanggit na bayan. Ayon kay P/Maj. Florante …

Read More »

3 suspek sa viral ‘road rage prank’ ‘di lusot sa kaso

3 suspek sa viral ‘road rage prank’ ‘di lusot sa kaso

SINAMPAHAN ng mga awtoridad ng mga kasong paglabag sa cybercrime law, alarm and scandal, at publication and unlawful utterances, ang tatlong sinasabing mga promotor ng ‘viral road rage prank’ sa social media sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang mga suspek na sina Jonathan Esquillo, Joseph Josef, at Jonathan Tablando. Isinampa laban sa …

Read More »

Saklolo ng gobyerno hiniling
200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

Saklolo ng gobyerno hiniling 200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

KALIWA’T KANANG panunutok ng baril, harassment, at pagdukot ang nararanasan ng may 200 residente at magsasaka mula sa mga opisyal at mga tauhan ng Masungi Georeserve sa Sitio San Roque, Brgy. Pinugay, sa bayan ng Baras, lalawigan ng Rizal.  Ayon kay Jay Sambilay, humihingi ng saklolo ang 200 miyembro ng Sitio San Roque Association at Farmers and Habitants Association kay …

Read More »

Nahulog sa puno ng Bignay lalaki patay sa San Juan

Dead body, feet

BINAWIAN ng buhay ang isang 57-anyos lalaki nang mahulog mula sa inakyat na puno ng Bignay nitong Linggo ng umaga, 30 Enero. Kinilala ang biktimang si Wilmore Cayao, 57 anyos, residente sa G. Road – 6, 1st West Crame, sa lungsod.  Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jarian Jay Encina, dakong 10:20 am kamakalawa nang akyatin ng biktima ang puno ng …

Read More »

Ina nagpapataya ng jueteng
2-ANYOS PASLIT PATAY SA PINAGLARUANG LIGHTER NG 2 UTOL

fire sunog bombero

ISANG 2-taong gulang na batang babae ang namatay nang masunog ang kanilang bahay dahil sa pinaglaruang lighter nitong Lunes ng umaga, 17 Enero, sa lungsod ng Anipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni Fire S/Insp. Wennie Astrero, ground commander, ang namatay na biktimang si Vanessa Glee, 2 anyos, nakatira sa Chico St., Purok Sumulong, Brgy. dela Paz, sa lungsod.  Sa imbestigasyon …

Read More »

Tinambangan sa Montalban
NEGOSYANTENG BABAE PATAY

Tinambangan sa Montalban NEGOSYANTENG BABAE PATAY

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang negosyanteng babae, sinabing ang mister ay kaanak ng isang tumatakbong bise alkalde, nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa loob ng sasakyan nitong Martes ng umaga, 18 Enero, sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Rafael, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.  Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng …

Read More »

Huli sa aktong nagtutupada
7 KATAO TIMBOG SA TANAY, RIZAL

Sabong manok

PITO katao ang nadakip nang mahuli sa aktong nagtutupada, malinaw na paglabag sa anti-gambling operation, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Plaza Aldea, bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Enero.  Kinilala ni P/Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Tanay MPS, ang mga nadakip na suspek na sina Jesson Malinao, Edgardo Barrera, Santos Lopez, Alvino Alegre, …

Read More »

4 COP binalasa sa Rizal

KAUGNAY sa nalalapit na lokal at pambansang halalan, binalasa ang apat na chief of police (COP) sa lalawigan ng Rizal kasabay ng inilatag na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC). Pinalitan ni P/Lt. Col. Ruben Piquero si Tanay outgoing chief of police P/Lt. Col. Resty Damaso samantala inilagay bilang chief of police ng San Mateo PNP si P/Lt. Col. …

Read More »

Sa San Mateo, Rizal
P.7-M ‘OBATS’ NASABAT SA 3 HVT

Edwin Moreno photo Sa San Mateo, Rizal P.7-M ‘obats’ nasabat sa 3 HVT

NADAKIP ang tatlong pinaniniwalaang high value target (HVT) nang makompiskahan ng P700,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU-PIU) sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 15 Enero.  Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio, OIC ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ang mga nadakip na sina Anthony Miano, …

Read More »

117k droga, tiklo sa HVT sa Pasig!

Edwin Moreno photo 117k droga, tiklo sa HVT sa Pasig!

ni Edwin Moreno TIKLO sa isang regional high value target (RHVT) ang daan libong halaga ng droga sa magkahiwalay na drug operation sa gitna ng umiiral na “gun ban” ng Comelec sa lungsod ng Pasig.  Kinilala ni P/BGen. Rolando Yebra Jr., ang mga naaresto na sina Reymond Lotino, 33 anyos, umano’y nasa No.9 Regional High Value Target ng drug database …

Read More »

8 katao sa Montalban tiklo sa droga, sugal

8 katao sa Montalban tiklo sa droga, sugal Edwin Moreno

NADAKIP ang walong suspek sa ileegal na droga at ilegal na sugal, sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.  Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Montalban police, naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ang mga suspek na kinilalang sina Embran Makuyag, Fredrick Anastacio, Rolando Ebagat, Omelito de Guzman, Ernie Lumanglas, Jon Covad, Jr., Joselito Cruz, at Jan Danielle …

Read More »

4 gun runner timbog sa Montalban, Rizal

4 gun runner timbog sa Montalban, Rizal Edwin Moreno photo

Hindi nakaligtas sa mga awtoridad ang apat na miyembro ng gun- running syndicate nang makumpiskahan ng mga baril, granada at mga bala sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 19 Disyembre. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriguez PNP ang mga nadakip na suspek na sina Whaldyn Ban, 33 anyos; Isagani Villacorte, 41 anyos; …

Read More »

4 Pulis-Taguig, 1 pa timbog sa P30-M nakawan sa Pasig

4 PULIS-TAGUIG, 1 PA TIMBOG SA P30-M NAKAWAN SA PASIG Edwin Moreno

ARESTADO ang apat na pulis-Taguig at ang kanilang kasabwat na hinihinalang pawang sangkot sa insidente ng nakawan sa lungsod ng Pasig nitong Sabado, 18 Disyembre. Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, 19 Disyembre, ang nadakip na mga suspek na sina P/SSgt. Jayson Bartolome, P/Cpl. Merick Desoloc, P/Cpl. Christian Jerome Reyes, at Pat. Kirk Joshua Almojera — …

Read More »

Sa Pasig
3 GINANG, 1 PA TIKLO SA DROGA

KALABOSO ang tatlong ginang at isang lalaki nang bentahan ng ilegal na droga ang tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Henry Nipa, 40 anyos, rank no. …

Read More »

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Eastern Police District (EPD) drug enforcement unit sa lungsod ng Pasig nitong Lunes, 29 Nobyembre. Kinilala ni EPD Director P/BGen. Orlando Yebra, Jr., ang mga naarestong suspek na sina Sonny del Rosario, 27 anyos; Edmund Dechoso, 45 anyos, gasoline boy; at Jetson …

Read More »

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang atakehin sa puso dahil sa takot habang ginigiba ng demolation team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang kanilang bahay nitong Sabado, 27 Nobyembre, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ang pumanaw na biktimang si Mica Antoinette Ferrer, 14 anyos, nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Brgy. Mayamot, sa nabanggit …

Read More »

Quarry operator na sinabing land grabber inireklamo

NAHAHARAP sa asunto ang tinukoy na quarry operator ng isang residente sa Sitio Upper Bangkal, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Rodriguez, lalawigan ng Rizal, na puwersahang anila’y nagpapasok ng armadong mga guwardiya sa kanyang lupain. Sa reklamong inihain sa tanggapan ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo. Jr., hepe ng Rodriguez PNP, sinabi ni Roselo Espenera, nabili niya ang ang rights …

Read More »

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang joint operation sa Brgy. Pinagbuhatan, lungsod ng Pasig, nitong Martes, 23 Nobyembre. Sa ulat kay Eastern Police District (EPD) director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang nadakip na suspek na si Michael Aurilla, alyas Oka, 33 anyos, residente sa nabanggit na barangay. Ikinasa ng mga awtoridad …

Read More »

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

PCSO STL PNP NBI

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na sugal upang lumaki ang kita ng ahensiya at matulungan ang mahihirap sa mga charity project nito. Ito ang ipinahayag ni PCSO General Manager Royina Garma makaraang ibigay sa PNP ang P22,058,902.37 bahagi ng .5 …

Read More »

Lugmok na industriya ng sapatos sa Marikina, inisnab ng gobyerno

Iskomotion Marikina

PARA sa mga magsasapatos sa lungsod ng Marikina, inisnab ng gobyerno ang kanilang hiling na tulungan silang maiahon ang lugmok na industriya ng sapatos na apektado ng pandemya. Ayon kay Engr. Mojica, isa sa mga lider at pinakamatandang magsasapatos sa lungsod, naniniwala siya na kayang gawin ni presidential aspirant at kasalukuyang allkalde ng Maynila Francisco “Isko Moreno” Domagoso na maibalik …

Read More »

Sa Angono, Rizal
KABATAANG 12-17 ANYOS BINAKUNAHAN NG PFIZER AT MODERNA

TINIYAK ni Mayor Jeri Mae Calderon at Vice Mayor Jerry Calderon ng Angono, Rizal, na mayroong 500 bakuna ng Pfizer at Moderna para sa mga kabataang 12-17 anyos, ngayong araw ng Miyerkoles, 8 Nobyembre. Kahapon Martes, 9 Nobyembre, inianunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Angono sa kanilang Facebook page na 500 bakuna ang nakalaan para sa mga residenteng edad 12-17 …

Read More »

P1-M tobats kompiskado, 2 tulak tiklo sa Marikina

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad nang makompiskahan ng P1-milyong halaga ng hinihinalang shabu, nitong Lunes ng gabi, 8 Nobyembre, sa lungsod ng Marikina. Sa ulat na tinanggap ni P/BGen. Orlando Yebra, direktor ng Eastern Police District, kinilala ang mga nadakip na sina Marlon Taggueg, 36 anyos, residente sa Gold …

Read More »

3 tulak timbog sa Pasig buy bust

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang anti-illegal drugs operation nitong Sabado ng gabi, 6 Nobyembre, sa lungsod ng Pasig. Sa ulat na tinanggap ni P/BGen. Orlando Yebra, direktor ng Eastern Police District, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rod Solano, alyas Dagul, 36 anyos; Mark Jore, 34 anyos; at Criss Bellen, 21 anyos, pawang mga residente sa …

Read More »