ARESTADO ang isang dating pulis dahil sa kasong homicide na nagtangka pang manuhol ng P2-milyon sa mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group upang hindi siya hulihin sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal, nitong Miyekoles, 15 Hunyo. Kinilala ni IMEG Director P/BGen. Samuel Nacion ang suspek na si dating P03 Luis Jomok lll, residente ng No. 83 Cabrera …
Read More »Mga operatiba tinangkang suhulan ng P2-M
Bilibid ililipat sa Tanay, JVA housing project bubuwagin – DENR
INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang JVA Housing Project sa lupang inilaan ng lokal na pamahalaan upang paglipatan ng New Bilibid Prison at Regional Office ng DENR sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Ayon sa kagawaran, ang nabanggit na lupa ay bahagi ng Lot 10 na nakapangalan sa Republika ng Pilipinas at may lawak na …
Read More »
P100 ransom money naitakas
2 MIYEMBRO NG KFR GROUP TODAS SA PNP CALABARZON 
PATAY ang dalawang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) group habang nakatakas ang dalawa nilang kasama sa enkuwentro ng mga kagawad ng CALABARZON PNP at PNP AKG nitong Lunes ng umaga, sa bayan ng Pililia, lalawigan ng Rizal. Sugatan din ang pulis na si Pat. Joshua Lingayo matapos tamaan ng bala sa tiyan at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan. Samantala, ligtas na nabawi …
Read More »‘Estafa King’ ng Pasig timbog sa CamSur
NASUKOL ng magkasanib na operatiba ng Pasig PNP at CamSur PNP ang 42-anyos wanted sa kasong syndicated estafa sa Sitio Caburas, Mambulo Nuevo, sa bayan ng Libmanan, lalawigan ng Camarines Sur, nitong Miyerkoles, 1 Hunyo. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, ang suspek na si Arnold Alzate, Jr., 42 anyos, pinaniniwalaang miyembro ng Enduma Brothers Investment Scam …
Read More »Tinangkang halayin, mag-ina patay suspek nang-agaw ng baril, todas
ni Edwin Moreno TADTAD ng saksak at tusok sa mga katawan at naliligo sa kanilang sariling dugo nang makita sa loob ng kanilang bahay ang mga bangkay ng mag-ina at sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni P/Lt. Dominic Blaza, PCP-2 commander, ang mag-inang biktimang sina Anabela Tacuycuy, 59 anyos, at anak na si Ana Lezel Bellena, 19 …
Read More »Droga 35 gramo, nasabat 3 ex-convicts, balik-selda
BALIK sa kulungan ang tatlong dating persons deprived of liberty (PDL) nang masakote ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operations sa bayan ng Taytay, Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga naarestong sina Michael James Bueno, alyas Barog, Mark Christian Natividad, alyas Bilog, at Ranny James …
Read More »P.25-M droga nasabat 2 tulak tiklo sa Rizal
UMAABOT sa 31 gramo ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) habang arestado ang dalawang pinaniniwalaang mga tulak sa kanilang ikinasang anti-drug operation sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala …
Read More »
Sa Montalban, Rizal
HALAL NA ALKALDE KATUNGGALI HINIMOK MAGKAISA
HINIMOK ng bagong halal na alkalde ng bayan ng Rodriguez (Montalban), sa lalawigan ng Rizal na si dating AFP chief Ronie Evangelista ang mga katunggali na magkaisa at kalimutan ang labanan nitong nakalipas na kampanya para sa eleksiyon sa ikauunlad ng kanilang munisipalidad. Nagpasalamat din si Evangelista sa lahat ng Montalbeño na nagbuhos ng kanilang suporta sa laban para sa …
Read More »
Sa Rizal
VCMs, SD CARDS NG COMELEC PALPAK, DEPEKTIBO
ni EDWIN MORENO ILANG vote counting machines (VCM) at ScanDisk (SD) memory card ang iniulat na palyado sa iba’t ibang voting precinct sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Rizal. Base sa ulat ng Rizal PNP, dakong 1:00 pm kahapon, 9 Mayo, araw ng eleksiyon, nang magkaroon ng aberya ang mga VCM at SD cards. Base sa report, naitalang …
Read More »5 TOMADOR SWAK SA SELDA SA PASIG (Sa unang araw ng liquor ban)
NAGHIMAS ng rehas ang limang indibidwal sa lungsod ng Pasig na nahuling sumuway sa unang araw ng liquor ban nitong Linggo, 8 Mayo, kaugnay sa halalan ngayong araw, 9 Mayo. Sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina sina Alfred Banaag, 30 anyos; Jimmy Biticon, Jr.; Jason Mathew Esquerra; Romeo Soriano, 24 anyos; …
Read More »
Buntis na misis tumangging makipagtalik
BANGAG NA MISTER HUBO’T HUBAD INIHAMBALOS SA KALSADA 7-ANYOS ANAK
ni EDWIN MORENO PATAY ang 7-anyos batang lalaki nang ihataw sa sementadong kalsada ng lalaking hubo’t hubad, sinabing ama ng biktima, inilarawang tila sinaniban ng demonyo nang ipaghampasan ang sariling anak, sa Rodriguez (Montalban), Rizal kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino, Pipo Jr., hepe ng pulisya ang suspek na nadakip at ginulpi ng taong bayan na si Eraño Veraces y …
Read More »
Buntis na misis tumangging makipagtalik
MISTER HUBO’T HUBAD, IPINAGHAMPASAN SA SEMENTADONG KALSADA 7-ANYOS ANAK
ni EDWIN MORENO PATAY ang 7-anyos batang lalaki nang ihataw sa sementadong kalsada ng lalaking hubo’t hubad, sinabing ama ng biktima, inilarawang tila sinaniban ng demonyo nang ipaghampasan ang sariling anak, sa Rodriguez (Montalban), Rizal kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino, Pipo Jr., hepe ng pulisya ang suspek na nadakip at ginulpi ng taong bayan na si Eraño Veraces y …
Read More »
Sa Angono, Rizal
RIDING-IN-TANDEM TUMAKAS SA CHECKPOINT BUMULAGTA SA HABULAN
INAALAM ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang suspek na napatay sa enkuwentro nang tangkaing tumakas sa isinasagawang Oplan Sita sa bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 6 Abril. Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong 1:00 am kahapon nang takasan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang nakalatag …
Read More »
Sa Marikina
DRIVER ARESTADO SA 8 KASO NG RAPE
NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Marikina ang isang lalaking sangkot sa pangmomolestiya at panggagahasang naganap sa bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng umaga, 27 Marso. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang naarestong suspek na si Rommel dela Cruz, 29 anyos, binata, driver, residente sa Extension St., San Juan, Brgy. Darangan, sa …
Read More »Tulak tiklo sa 1.7 kilo ng ‘damo’
NASUKOL ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation ang isang hinihinalang tulak na nasamsaman ng 1.7 kilo pinaniniwalaang marijuana sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group (DEG) Director P/BGen. Randy Peralta, ang naarestong suspek na si Jheremy Javier, alyas David, nasa hustong gulang, residente sa Brgy. Mambugan, sa lungsod. Nakompiska mula sa suspek …
Read More »Inatadong lalaki sa Montalban kinilala ng misis
DIREKTANG kinilala ng asawang si Nerissa Rosales, 34 anyos, na mister niya ang may-ari ng putol-putol na katawan at ulo na natagpuan noong 17 Marso ng umaga sa Zigzag Road, Don Mariano Ave., Rodriguez (Montalban), Rizal. Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriguez MPS, kinilala ni Nerissa ang biktimang mister na si Ramil Jugar, 38 anyos, …
Read More »Lolong rapist tiklo sa Pasig
ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 60-anyos lalaking wanted sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa sa lungsod ng Pasig, nitong Martes, 15 Marso. Sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, kay Eastern Police District Director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang suspek na si Reynaldo Mongas, 60 anyos, residente sa Sitio Burol, Taytay, Rizal. Nagsagawa ng manhunt operation …
Read More »Tsinaptsap na katawan ng lalaki natagpuan sa Montalban
NATAGPUAN ang putol-putol na bahagi ng katawan gaya ng ulo, torso, braso, at paa ng isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng summary execution at itinapon sa Zigzag Road, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Huwebes ng madaling araw, 17 Marso. Ayon sa ulat, nakita ang tsinaptsap na bangkay ng ilang pasahero na nakalagay sa itim …
Read More »P22-M ‘omads’ nasamsam 4 drug suspects timbog
ARESTADO ang apat na hinihinalang tulak nang makompiskahan ng tuyong ng marijuana, nagkakahalaga ng higit P22 milyon sa operasyong ikinasa ng magkasanib na puwersa ng Pasig PNP at PNP-Drug Enforcement Group sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes ng hapon, 14 Marso. Kinilala ni P/BGen. Randy Peralta, PDEG Director, ang mga nadakip na suspek na sina Mivier Miranda, Jr., 35 anyos; …
Read More »Lider ng ‘gun-for-hire’ gang, tiklo sa Montalban
ARESTADO ang isang lalaking nakatalang No. 1 most wanted sa kasong murder at dalawang bilang ng kasong attempted murder sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 12 Marso. Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng lokal na pulisya, kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang suspek na si Juan …
Read More »Puganteng rapist, timbog sa Pasig
NATAPOS ang pagtatago ng isang suspek sa dalawang bilang ng kasong statutory rape nang madakip ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes ng hapon, 7 Marso. Sa ulat, kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig police, ang suspek na si Dick Royol Huit, nasa hustong gulang, residente sa Alvarez Peñaflor Compound, Brgy. Maybunga, …
Read More »
Inatake sa puso
EX-VM NG MARIKINA PATAY SA ANTIPOLO
HINDI umabot nang buhay sa pagamutan si dating Marikina vice mayor Dr. Fabian Cadiz matapos atakehin sa puso habang kumakain ng almusal sa isang kainan sa Boso-Boso, lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 20 Pebrero. Nabatid na nagbibisikleta sa lugar ang dating bise alkalde kasama ang isang kaibigan at tumigil sa isang kainan upang mag-almusal. Nagpaalam umano si …
Read More »
Pagbebenta ng rights niraket
HOA PRESIDENT SA MONTALBAN SWAK SA SUMPAK
PERA na naging bato pa. Ito ang karanasan ng binansagang ‘lasenggong pangulo’ ng homeowners association na nahulihan ng baril matapos ireklamo sa madalas na panunutok tuwing nalalasing sa bayan ng Montalban (Rodriguez), lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng umaga, 12 Pebrero. Sa ulat na tinanggap ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay Rodriguez MPS P/Lt. Col. Marcelino Pipo, …
Read More »
13 taon nagtago
PUGANTE NG MARIKINA NASABAT SA PANGASINAN
NASAKOTE sa bayan ng Sison, lalawigan ng Pangasinan ang isang murder suspect sa Marikina na nagtago ng 13 taon sa mga awtoridad, nitong Sabado ng gabi, 12 Pebrero. Sa ulat, kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang nadakip na suspek na si Leo Bassi, 51 anyos, may asawa, residente sa Brgy. Alibing, sa nabanggit na bayan. Sinalakay …
Read More »
3 DAYONG SHOPLIFTERS TIKLO SA TANAY, RIZAL
Kasabwat nakatakas
NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlo sa apat na hinihinalang mga shoplifter sa ikalawang pagkakataong isinagawa nila ang krimen sa isang grocery store nitong Linggo ng hapon, 6 Pebrero, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay mula kay P/Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Tanay MPS, kinilala ang …
Read More »