ANG lakas ng tawa namin noong mabasa iyong isang social media post ng isang basher. Sinasabi niya kay Arjo Atayde na huwag nang sumipot sa promo ng kanilang pelikula ni Maine Mendoza kasi baka ma-boo pa siya sa promo. Sinasabi rin ng basher na mas malulugi ang pelikula kung magpo-promote pa si Arjo. Hindi kami magdududa, ang basher na iyon ay AlDub. Sila lang naman …
Read More »Panday movie ni FPJ, nai-restore ng maayos
NAPANOOD namin sa telebisyon iyong restored copy ng orihinal na Panday ni FPJ. Maganda ang pagkaka-restore. Sa natatandaan namin, dahil napanood namin iyan mismo sa sinehan halos apat na dekada na ang nakaraan, dahil 1980 noong ipalabas iyan eh, mukha ngang mas maganda pa ang quality ng kulay sa restored version kaysa original film. Kasi nga sa restored version, nailalagay nila sa ayos …
Read More »Pagharap sa problema ng Ang Probinsyano, ibigay sa production team
NAIINTINDIHAN namin kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ni Senadora Grace Poe sa mga kontrobersiyal na usapan ngayon tungkol sa seryeng Ang Probinsyano. Hindi lamang iyon batay sa isang pelikula ni FPJ, kundi sa paggamit ng titulo niyon, kumikita rin naman ang kanilang pamilya ng royalties sa serye, bukod pa nga sa kasama rin sa cast si Susan Roces. Pero mukhang mali iyong depensa …
Read More »Isang dating member ng Clique V, kinasuhan
NAISAMPA na ng talent manager na si Len Carillo ang demanda laban sa isang dating member ng Clique V, na nambitin ng kanyang mga commitment sa kanilang boy band. Kahit na ang sinasabing member ay hindi naman hinahanap sa mga show, dahil hindi pa naman siya sikat talaga, iyong kanyang pambibitin ay nangangahulugan ding hindi naibibigay ang buong performance sa mga show nila. …
Read More »Female star-TV host, nahihilig sa bagets
MAYROON din palang isang male star na naging bahagi ng isang youth oriented program na sikat noong araw na na-pick up din ng isang female star-TV host na mahilig sa mga bagets. Mukhang iyon na ang kanyang nakahiligan simula noong wala na ring manligaw sa kanya matapos na mahiwalay siya sa rati niyang asawa. Mahilig siya ngayon sa mga bagets …
Read More »‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?
ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna? Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy na iyan at ang magiging bida ulit ay si Angel Locsin. Maraming sinasabing naghahanda na si Angel, pero hindi natuloy dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang likod at kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Nagpa-opera naman si Angel sa …
Read More »Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad
HINDI nakaligtas sa pamamansin ng mga tao ang isang post na ginawa ni Janno Gibbs sa kanyang social media account na sinasabi niyang “September pa ako pumirma ng contract sa Star Music, naalala ko lang. Baka sila hindi na nila ako naaalala.” Pero pagkatapos niyon, inalis din naman niya ang nasabing post. Siguro may nagsabi sa kanyang alisin iyon at …
Read More »Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay
KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan naman niya iyon at siguro wala na ngang masasabing kahit na ano sa kanya, after all napatunayan na sa hukuman na wala naman palang bisa ang naging kasal nila ni Cesar Montano. Iyon ang kahulugan ng annulment. Hindi iyon isang deklarasyon …
Read More »Atty. Falcis, may bagong inaaway
NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon sa protocol, nang magkaroon ng oral arguments sa kanyang ipinaglalaban noong karapatan ng LGBT o mga bakla at tomboy. Siya rin iyong nanggagalaiti laban kay Aga Muhlach nang sabihin ng actor na sobra na ang pagtutungayaw ni Senador Antonio Trillanes. Walang dudang si …
Read More »Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?
NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”, kinakalbo ang babae para hindi makalabas ng bahay. Kasi noong panahong iyon, aba eh kahihiyan ang maging isang babaeng kalbo. Pero iba na ang panahon ngayon. Nagulat kami nang makita namin si Alesandra de Rossi na kalbo. Hindi naman siguro siya naparusahan, …
Read More »Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba
UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team nila ni Maine Mendoza. Hindi natin maikakaila na may panahong walang makatapat sa kanilang popularidad noong kasagsagan ng kanilang love team. Maaari rin namang sabihing iyon din ang naging height ng popularidad ni Alden, dahil bago naman iyongAlDub hindi siya sumikat ng …
Read More »Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na
SA totoo lang, nalungkot din kami nang mabalitaan naming namatay na si Stan Lee. Siya ang gumawa ng Spiderman, Iron Man, Incredible Hulk, The Avengers at marami pang ibang super heroes. Ang mga ginawa ni Stan Lee ang siyang naging libangan namin noong panahong kami ay bata pa. Sino nga bang bata ang hindi nahilig sa mga Marvel characters, at aminin natin na hanggang sa …
Read More »Direk, handang ibenta ang pitaka sa mga boyfriend
BUMIGAY na rin pala ang isang baguhang male star. Nakasabay namin si direk at isang production designer sa isang photo-finishing laboratory, at ang ipinagawa nila ay pictures ng baguhang male star na hubo’t hubad. Nakapagtataka dahil wholesome naman ang image na gustong palabasin ng young male star. Tapos mayroon pala siyang ginawang ganoon? Kung sa bagay, kilala namang matinik sa mga …
Read More »Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon
HALATA mong ginagawa nila ang lahat ng damage control sa paghahangad na maisalba si Diego Loyzaga sa posibleng negatibong epekto ng mga naglalabasang balita tungkol sa kanya. Bagama’t noong bandang huli ay natahimik na nga ang mga media na kanilang “napakiusapan”, at dahil wala rin namang makuhang bagong impormasyon, paano nga ba ipaliliwanag kung tumagal na mawala siya sa kanyang ginagawang serye? …
Read More »Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media
ILANG araw, sunod-sunod naming nakikita sa social media, ang dina-drum up nilang bagong image ni Baron Geisler, na kasama sa isang Christian group at nangangaral ng salita ng Diyos. Ok iyan, kung talaga ngang epektibo at nagbabago na si Baron. After all, siguro naman kung ano mang mga gulo ang nagawa niya in the past, kung talaga namang nagbabago siya ok …
Read More »Ate Vi, ayaw na ng malakihang birthday celebration
THANKFUL naman si Ate Vi (Vilma Sanos) sa rami ng nakaalala at bumati sa kanya noong birthday niya. Kahit na nga medyo malayo dahil gusto nga niya ng isang pribadong family celebration lamang, natanggap naman niya ang lahat ng mga ipinahatid na pagbati sa kanya. Noong magbalik naman siya kinabukasan pagkatapos ng kanyang birthday, nakahanda na sa kanyang mesa ang lahat ng …
Read More »Bagets, umaming, minanyak ng isang matinee idol
NATAWA kami sa kuwento ng isang kakilala namin. May kakilala raw siyang bagets, ang sinasabi ay “minanyak siya ng isang matinee idol.” Hindi iyong bagets ang mismong nagsabi sa amin. Hindi pa rin naman umaamin hanggang ngayon ang matinee idol na siya ay bading. Kahit sabihin mong lumabas pa iyan sa libro, hearsay pa rin iyan. Kaya hindi kami lubusang …
Read More »Imelda, iniligtas ng isang supplement
SI Imelda Papin mismo ang nagpatawag ng mga kaibigan niya sa press, iyon pala ay dahil lamang sa gusto niyang tulungan ang isang kompanya na naglulunsad ng isang heath supplement dito sa Pilipinas. Simple lang ang kuwento ni Mel, minsan kasi ay dumating sa kanya iyong panahong akala niya ay katapusan na rin niya. May isang kaibigan na nag-recommend ng …
Read More »Aktres, pinagtawanan ang sakit ni female star
AKALA ko pa naman, sincere ang isang aktres sa sinabi niyang ipinagdarasal niya na gumaling na ang sakit ng isang female star. Dahil hindi kami aware kung ano nga ba ang sinasabi niyang sakit, tinanong namin kung ano nga ba iyon. Ang sagot niya sa amin, “hindi ko alam Dong, pero ang skin niya ngayon para nang camouflage uniform ng …
Read More »Rico, kinilala ang galing ng New York Times; Burol, dinagsa ng fans
HINDI napigil ang pagdagsa ng mga tagahanga sa burol ng music icon na si Rico J Puno sa Sanctuario de San Antonio sa Mc.Kinley Road, Forbes Park, Makati. Gayunman, sa tulong ng mga pulis at security ng simbahan ay napanatili ang kaayusan lalo na sa loob ng burulan. Dumagsa rin ang maraming celebrities na nagbigay pugay kay Rico. Lahat sila ay nagpahayag …
Read More »ASOP, sa Nov. 11 na
SA November 11 na gaganapin sa New Frontier Theater ang ikapitong finals night ng ASOP, o A Song of Praise, isang kompetisyon ng mga kumpositor at mang-aawit ng gospel music. Iyan ay naglalaban-laban sa isang TV show, iyong ASOP na napapanood naman sa UNTV 37, at pinangungunahan ng kanilang mga host na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda. Ang layunin talaga ng ASOP ay mas gawing popular ang gospel music. …
Read More »Rhian, may spoof din ng video greetings ni Cesar
EWAN kung ano ang palagay ninyo, pero naging katatawanan ang video ni Cesar Montano na mayroong naglakad sa kanyang likod, isang babaeng sabi nila ay hubad. Hindi naman nakahubad iyong babae, siguro iyong tama lang ng liwanag, alam naman ninyo ang mga video camera, lalo na kung cellphone lang ang gamit, self adjusting ang opening niyan eh. Pati mga artista gumagawa ng spoof. …
Read More »Direk, nababaliw sa lalaking mahilig sa mens’ bikini contest
EWAN ko ba si Direk kung bakit ganyan. Ang nasagap naming kuwento, mukhang nababaliw na naman si Direk sa isang dating sumasali raw sa mga mens’ bikini contest na ngayon ay therapist na rin sa isang spa. May hitsura naman daw ang lalaki, pero bakit ba ganoon naman ang mga trip ni direk. Kung sa bagay, nakaiiwas nga naman siyang baka may …
Read More »Rico J. Puno, isa nang institusyon sa industriya (Pumanaw sa edad 65)
“N ANG madama ang ligaya sa gabi’t araw, nalimot mong ang lahat ay mayroong hangganan. Nguni’t nang iyong maramdaman ang kalungkutan, ay doon mo naalala ang Maykapal. Ang tao’y marupok kay daling lumimot sa Diyos na ang lahat siya ang nagdulot.” Iyan ay titik ng isa sa mga hit song ni Rico J Puno. Isa iyan sa mga awiting Kristiyano na noon …
Read More »Nora, Noranians, ‘di nabastos ni Duterte
TAMA ba ang sinasabi ni Nora Aunor na ”hindi ako ang binastos nila. Ang binastos nila ay ang mga Noranian at ang iba pang naniniwala sa akin,” matapos na muling ma-bypass ng presidente ang kanyang nomination bilang isang national artist? Ipagpatawad ninyo, pero sa palagay namin ay hindi. Palagay po namin ay walang nabastos kahit na sino. Hindi natin maikakaila na nasabi iyon ni …
Read More »