Saturday , May 18 2024

Ed de Leon

Line produ, milyon na ang nakukuha sa producer

SABI nila, kung may kaaway ka, turuan mong mag-produce ng pelikula. Kasi kung hindi marunong ang producer dito, talagang maloloko ka. Ilang milyong piso na raw ang nakuha ng isang line producer doon sa producer ng isang indie film. Pero ang dami nilang tauhan na hindi nasusuwelduhan, at tinitipid pati na ang production design. Sabi-sabi, nagbunganga raw ang production designer …

Read More »

Mayor Lani to Sen. De Lima — Ipagdarasal ko siya

BILIB kami sa naging statement ni Mayor Lani Mercado nang matanong siya tungkol sa pagkakadampot kay Senador Leila de Lima dahil sa kasong may kinalaman sa mga “lagay sa droga.” Ang sinabi lang ni Lani, ”ipagdarasal ko siya.” Iyan ang tamang attitude. Dapat hindi nagtatanim ng galit. Si Senador  de Lima, noong panahong Secretary of Justice pa siya ang nagpakulong …

Read More »

Paredes die hard na dilawan, star wars, ‘di pa matitigil

PAKIALAM ko ba sa kapalpakan sa Oscars? Mas pinag-uusapan ng masa ang nangyayaring “star wars” dahil sa politika rito sa Pilipinas. Mabilis na nagsalita ang dalawang premyado at beteranang mga aktres na sina Vivian Velez at Elizabeth Oropesa sa sinasabi nilang pambu-bully ng retired singer na si Jim Paredes sa mga kabataang sumali sa rally sa EDSA sa kabila ng …

Read More »

Alden, naospital na naman

“STRIKE while the iron is hot,” iyan ang kasabihan sa wikang Ingles na madalas marinig sa showbiz. Kasi nga sa showbusiness, hindi mo talaga alam kung hanggang kailan tatagal ang popularidad ng isang artista. Kaya iyang mga artista, habang sikat pa sila at mataas ang bayad sa kanila, tanggap ng tanggap ng lahat ng trabaho. Pero kung minsan, nakakasama rin …

Read More »

Kris sa digital channel na lang may pag-asang magka-career

PERO sabi naman ng isa naming kausap, hindi namin masasabing ang paniniwala sa kasabihang ”strike while the iron is hot” ay mali. Isang magandang example, sabi niya ay si Kris Aquino. Mabilis na sumikat si Kris dahil naging presidente ang nanay niya. Nagpatuloy ang  career sa mga panahong ang mga namamayaning politiko ay mga kakampi nila. Noong matapos na ang …

Read More »

Showbiz gay, iniwan ang ka-meeting nang may makitang guwapo

INIWAN ng isang showbiz gay ang kanyang mga kausap sa isang restaurant at mabilis na sinundan ang isang dumaang pogi. Sabi nila, ”talagang napakahilig ng baklang iyan. Basta may nakitang pogi hindi mo mapipigilan. Pero kung magsalita, hindi raw siya bakla dahil may anak siya.” Wala naman talagang masama kung bakla siya eh. Ganoon siya eh, ano nga ba ang …

Read More »

Angel, ‘di na magagawa ang Darna?

HOY bakit naman kung ipinaputol na nga ni Angel Locsin ang kanyang mahabang buhok? Actually mas nagmukha siyang bata ngayong maikli na ang buhok niya. Bago iyan, nagkaroon nga kasi ng tsismis na nalulugas ang kanyang buhok dahil sa ginawang treatment ng isang hair clinic. Mukhang hindi siya hiyang doon sa nagamit na mga chemical siguro sa kanyang buhok. Kung …

Read More »

Career ni Kylie, posibleng maudlot dahil sa pagbubuntis

Kylie Padilla

HUWAG naman sanang mangyari ang sinasabi ng iba, pero may mga nagsasabing mukhang mauudlot na raw ang career ni Kylie Padilla ngayong sinasabing tatlong buwan na siyang buntis. Kung lalabas ngang ganoon, aba eh pinakamahaba na iyong isa o dalawang buwan at obligado na siyang magpahinga dahil sooner or later, lolobo na ang tiyan niya. Maaari pa ba siyang magsuot …

Read More »

Pornhub, ipinagbabawal na sa ‘Pinas

TIYAK magtatatalon na ngayon sa tuwa ang mga artistang may nagkalat na sex video. Aba sunod-sunod na kumalat noong nakaraang taon ang mga sex video lalo na ng mga artistang lalaki. Eh ngayon, ipinagbabawal na sa Pilipinas ang porn site na Pornhub, na makikita rin ang mga video ng celebrities na iyan. Mayroon silang category na tinatawag nilang “Pinoy scandal” …

Read More »

Galing sa pag-i-Ingles, ‘di batayan sa Miss Universe pageant

EH ano ba kung hindi man magaling magsalita ng wikang Ingles si Miss Philippines Universe Maxine Medina. Tandaan ninyo, siya ay Miss Philippines Universe, hindi naman Miss USA, kaya eh ano ba kung hindi siya masyadong magaling magsalita ng Ingles? Ang masama ay kung pulpol siyang magsalita ng Filipino. Hindi batayan iyang kahusayan sa pagsasalita ng Ingles diyan sa Miss …

Read More »

‘Nakulam’ nga ba si Ruffa Gutierrez?

ANO iyong sinasabing, “nakulam” si Ruffa Gutierrez? Bakit naman kukulamin si Ruffa eh wala namang ginagawang masama iyong tao? Totoo naman iyong sinasabing minsan may mga taong “iniistorbo ng masasamang espiritu” dahil sa kung ano mang dahilan. Maging ang simbahan ay naniniwala sa ganyan, kaya nga may mga pari na binigyan ng katungkulan na maging “exorcists”. Kahit na sino maaaring …

Read More »

Male TV dancer, nag-aalok ng sex sa FB

MUKHA talagang mahirap na ang buhay sa ngayon. May isa kaming kakilala na nagpakita sa amin ng text ng isang “male TV dancer” na nakilala lang naman daw niya sa Facebook, na nagsabi sa kanya na kailangan daw niyon ng pera at nakahanda iyong makipagkita sa kanya, at nag-aalok ng sex. Siguro nga talagang may nangyayaring ganyan, pero nakagugulat iyong …

Read More »

Mahirap humanap ng kapalit ni Kuya Germs

NAALALA lang namin, noong pista ng Quiapo, wala na si Kuya Germs. Dati, tuwing translacion, naroroon si Kuya Germs dahil sinasabi nga niyang ang una niyang trabaho bilang janitor noon sa Clover Theater ay hiniling niya sa Nazareno. Sa darating namang Linggo, pista ng Sto.Nino, hindi na rin makikitang magsisimba ng madaling araw sa Tondo si Kuya Germs. Actually si …

Read More »

Pagpapaalis ni Mocha sa SPG rating, suportado namin

TAMA ba iyang SPG rating ng MTRCB sa telebisyon? Sinimulan iyang gamitin noong 2012, noong panahong ang chairman pa ng MTRCB ay si Senadora Grace Poe. Ang layunin ng rating ay ”mas mabigyang laya” raw ang mga palabas sa telebisyon sa gusto nilang ipakita. Inamin din nila na iyan ay border line ng kanilang PG ratings, na ibig sabihin kailangang …

Read More »

Oro, flop na, binawian pa ng permit to exhibit

ANG daming delayed reaction doon sa ginawang “dog slaughter” sa isang pelikula sa MMFF. Minsan naaawa na rin kami sa director at producers ng pelikulang iyon, dahil hindi lamang pinigil ang showing ng kanilang pelikula habang hindi nila naaalis ang eksena na malupit na pinatay ang isang aso, banned pa sila sa film festival sa susunod na pagkakataon kung mayroon …

Read More »

Tamang desisyon ang muling pag-aasawa ni Camille

MATAGAL na naming inaasahan iyan, pero noong isang araw, natuloy na ang muling pagpapakasal ni Camille Prats sa kanyang matagal ng manliligaw, na si John Yambao. Marami rin naman ang natuwa sa nangyaring iyan. Alam naman nila ang naging buhay ni Camille. Na-in love siya at nagpakasal sa naging boyfriend niya noong si Anthony Linsangan, pero makalipas lamang ang mga …

Read More »

Male model, magka-career pa kaya sa pagkalat ng sex videos?

blind mystery man

KUNG kailan maliwanag na nabantilawan na ang career ng isang male model na nangarap na maging artista, at saka naman lalong kumakalat ngayon ang dalawang sex videos na ginawa niya noong araw, na siguro hindi naman niya naisip na maaari palang pasukin niya ang showbiz. Ang masama pa, nakikita na ngayon iyon sa mga foreign gay site. Hindi lang mapapanood, …

Read More »