Friday , May 17 2024

Ed de Leon

Mocha, akma lang sa MTRCB, kalaswaan sa TV, tututukan

NOONG una, gusto rin naming magtanong kung bakit inilagay sa MTRCB si Mocha Uson. Pero natural iyon eh, iyang tinatawag na “political pay off”. Nakatulong siya sa kandidato, inilagay siya sa puwesto. Hindi ba ganyan din naman sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes na noong panahon ng yellow power ay ginawa pang mga commissioner. Pero noong marinig namin ang interview …

Read More »

Mang Kepweng ni Vhong, kumikita, paglabas ni Chiquito, hinangaan

ITO kami mismo ang witness, kasi pinanood namin sa regular screening iyong Mang Kapweng Returns ni Vhong Navarro Roon sa Trinoma sa kanilang second day. Hindi namin masasabing puno, pero siguro mga 90% ng sinehan ang may tao. Bihira na kaming makakita ng ganyan karaming tao sa loob ng sinehan, maliban kung may blocked screening lang. Noong matapos na ang …

Read More »

Popularidad nina Maine at Kathryn, ‘wag nang ambisyonin ni Nora

HINDI ba masyadong malupit naman iyong sinasabing kailangang “magpahinga” na sa kanyang career si Nora Aunor? Palagay namin hindi naman siguro retirement, kundi sikaping makahanap ng mga mahuhusay na proyekto, tigilan na niya iyang mga indie na hindi naman kumikita at lalo lang na naglulubog sa kanyang popularidad, at sikaping ilagay sa ayos ang takbo ng kanyang career. Huwag na …

Read More »

Indie film, paano magiging ‘kinabukasan’ kung ‘di tanggap ng masa?

Movies Cinema

SINASABI nila, wala raw pagkakaiba ang mga pelikulang tinatawag na mainstream at ang mga pelikulang indie. “Pareho rin iyan. Parehong pelikula iyan,” sabi ng isang MMFF insider. Pero huwag nating bulagin ang ating sarili sa mga maling paniniwala. Paano natin ngayon ikakaila na mas malaki ang kinita ng pelikula ni Vice Ganda na nilalait niyang mga kasali sa festival, kaysa  …

Read More »

Male model, nag-artista para tumaas ang ‘presyo’

blind item

“TOTOO iyon,” sabi ng isang baklitang designer tungkol sa isang male model na pumapasok na ngayon sa showbusiness, na natsismis na pumapatol sa mga bading for a fee. “Kasi nakuha ko siya for P30K noon,” dugtong pa ng bading. Ibig bang sabihin nag-aartista lang para tumaas ang “presyo”? (Ed de Leon)

Read More »

Ate Vi, inuna ang relief operations kaysa mag-Pasko

GANOON na nga mismo ang nangyari, postponed ang Christmas celebration ni Congresswoman Vilma Santos dahil kailangang unahin niya ang pagtulong sa relief operations sa Batangas. Take note, hindi lamang sa Lipa kundi nakarating din sila sa iba pang bayan ng Batangas, dahil sinasabi nga ni Ate Vi, “hindi na ako ang governor pero minsan ay naging constituents ko silang lahat, …

Read More »

Nora Aunor’s magic, naglaho na; theater owner, umaangal

NGAYON maliwanag na sa amin, talagang wala na ang tinatawag nilang “Nora Aunor magic” noong araw. Aba kung napanood ninyo ang mga “quickie” na ginawa ni Nora Aunor noong araw, masahol pa sa mga TV show na indie, pero pinipilahan talaga iyon sa mga sinehan. Iyong fans niya nagkakabit pa ng mga banner sa lobby ng sinehan para malaman na …

Read More »

Poging bagets na suma-sideline, nabuking na isa ring beki

blind mystery man

TUWANG-TUWA noong  isang araw ang isang kilalang showbiz gay. May dumating kasi sa bahay niya na isang poging bagets na lumabas daw noon sa isang youth oriented TV show sa isang network at may ibinigay sa kanyang sulat. Ang sulat ay galing sa isang kaibigan niya at ang nakalagay doon, ”siya ang Christmas gift ko sa iyo”. Siyempre hindi na …

Read More »

Hontiveros, over exposed

NAIPALABAS na sa reality show si Luis Hontiveros. Mukhang nasapawan siya ni Tanner Mata na naiwan pa roon at mukhang namamayagpag kasama pa ang kanyang kakambal na si Tyler. Palagay namin, over exposed na kasi iyang si Hontiveros at siguro nga naging negative pa ang dating niya sa masa dahil sa kanyang political affiliations. Hindi maikakailang may epekto rin iyan …

Read More »

Ma’Rosa, kumain ng alikabok sa Oscars

LUMAMON lang ng alikabok iyong pelikulang Ma’ Rosa na ipinagbakasakali pa nila sa Oscars foreign language division. Umaasa sila kasi nanalo raw si Jacklyn Jose sa Cannes, baka sakaling mapansin, pero sa top nine pa lang, laglag na ang pelikula. Wala pa talagang pelikulang Pinoy na nai-consider diyan sa foreign language film section ng Oscars. Wala pa tayong director na …

Read More »

Ate Vi, muling ikakasal kay Sen. Ralph Recto

NAIKUWENTO sa amin ni Ate Vi (Cong. Vilma Santos) noong isang araw, inalok daw siya ni Senador Ralph Recto na pakasal ulit sa simbahan sa susunod na taon. Twenty five years na kasi silang kasal. Ikinasal sila noong December 11,1992 sa makasaysayang San Sebastian Cathedral sa Lipa, Batangas. Kung iisipin, 25 years ago na pala iyon. Pero maliwanag pa rin …

Read More »

Male starlet, may bagong scandal gawa ng beking naka-date

MAY panibago na naman daw scandal na lumabas ang isang male starlet. This time ang sinasabi nilang gumawa ng scandal ay isang gay na naka-date daw niyon. Mukhang nag-video ang gay sa pamamagitan ng kanyang cellphone na nakatago kung saan, ng walang kaalam-alam ang male starlet.  Kumakalat na raw iyan at sinasabing naka-post pa sa isang account sa Twitter. (Ed …

Read More »

Pagpapakasal ni Shintaro kay Gozon, masyadong tahimik

Mukhang masyadong tahimik ang sinasabing pagpapakasal ng GMA Films president na si Annette Gozon sa dating actor na si Shintaro Valdez. Binata talaga si Shintaro na ang tunay na pangalan ay Ramon Valdez, pero si Annette ay may dalawang anak na sa dating asawang si Lito Abrogar. Pero matagal na raw silang hiwalay at annulled na ang kanilang kasal. Hindi …

Read More »

MMFF entries, ibina-bargain

“BINA-BARGAIN sale”. “Ginagawa nilang presyong talipapa”. Ganyan ang comment ng ibang galit na taga-industriya ng pelikula sa biglaang announcement ng MMFF na magbibigay ng discount na 30% sa mga senior citizen, PWD, at maging mga estudyante kung manonood sila ng alin man sa mga indie na kasali sa festival. Nauna riyan, ang pinakamalaking theater group sa bansa ay nag-alok pa …

Read More »

Away bata, pinalaki lang daw ni Claudine

CLAUDINE Barretto strikes again! Ngayon naman ang tinatalakan ni Claudine ay ang hindi niya pinangalanang kaanak umano ni Raymart Santiago dahil sa ginawang pananakit sa kanilang anak na si Santino. Inilabas pa ni Claudine ang resulta ng tests sa ospital ng kanyang anak na sinasabi ng mga doctor na dumanas ng trauma dahil sa nangyari. Nagbabanta na naman si Claudine …

Read More »

Baron, ‘di matututo kung patuloy na uunawain

BARON Geisler strikes again! Hindi siya naghamon ng suntukan at nanggulo sa isang bar. Hindi rin siya nambastos ng isang babae. Bago ito, inihian niya ang kanyang co-actor na si Ping Medina sa shooting ng isang eksena ng kanilang ginagawang indie film. Mabilis na inilabas ni Ping sa social media ang mga nangyari. Mabilis din naman ang iba pang mga …

Read More »

Mga pelikulang ‘di nakasama sa MMFF, mas kikita pa sa takilya

MAS maganda ang nangyari sa mga totoong pelikula matapos silang maitsapuwera sa Metro Manila Film Festival na puro indie films ang palabas. Iyong Mano Po 7 Chinoy, ilalabas ng mas maaga sa Pasko. Mas makakukuha pa iyan ng maraming sinehan at mapipili pa nila kung saang sinehan sila papasok. Hindi naman kailangan ng Mano Po 7 ang festival, dahil may …

Read More »

Atty. Acosta, mas kailangan ng Korte Suprema

SIGURO masasabi ngang simula nang magkaroon ng Public Attorneys Office sa Pilipinas, ang naging hepe niyan na pinakamalapit sa entertainment writers ay si Atty. Persida Acosta. Palagay namin kaya naman nagsimula ang ganyan ay dahil nakasalamuha niya ang entertainment press noong siya ay magkaroon ng TV show sa TV5, iyong Face to Face. Sa totoo lang, iyong kanilang show na …

Read More »

Female starlet, tinga lang sa mga accomplishment ni Mother Lily

blind item woman

HINDI nga yata matanggap ng mga gumagawa ng pelikulang indie ang mga kritisismo ngayon laban sa Metro Manila Film Festival na puro indie films ang isinali at ipalalabas ngayong Pasko. Talagang iginigiit nilang sila ang magaling at hindi nila pinakikinggan ang sentiments ng nakararami sa industriya, Hindi na tayo dapat makipagtalo sa kanila. Hintayin na lang natin ang resulta kung …

Read More »

Pagbabagong-buhay ni adik na aktres, pinagdududahan

LAHAT ay nagsasabing walang duda na ang number one sa listahan ng mga celebrity na addict ay isang aktres, kahit na daanin sa pagkatalamak sa droga, o gawin pang alphabetical ang listahan. Pero huwag naman nating husgahan agad, baka naman kung noong araw ay addict siya talaga, baka naman sakaling ngayon ay magbago na. Pero ewan kung bakit nga ba …

Read More »

Ate Guy, nagpabinyag na sa Dating Daan

MARAMI ang nagugulat sa mga aksiyon ni Nora Aunor nitong nakaraang araw. Bigla siyang naging tagasunod at sabi ng sources ay nagpabinyag na sa grupong Dating Daan. Kung sa bagay maganda naman iyan dahil baka matulungan siya ng grupong relihiyosong iyan sa totoong pagbabago. Tapos bigla siyang lumitaw sa isang misa roon sa libingan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kung …

Read More »

Negative publicity, tiyak makasisira kay Nadine

Nadine Lustre

BAKIT nga ba mukhang napag-iinitan si Nadine Lustre maging ng kanyang mga co-star? Isang bit player ang pinaaalis ng fans ni Nadine sa kanilang serye matapos niyong banatan si Nadine sa social media. Bakit nga ba laging may ganyang issue? Madalas na ring mabalita sa social media na suplada siya sa kanyang fans. Hindi maganda ang ganyang publisidad. Noong araw, …

Read More »

Mga sinehan baka magsara ‘pag ‘di kumita sa festival

Movies Cinema

SINABI ni Nicanor Tiongson, na pinili nila ang mga pelikulang kasali sa festival dahil naniniwala sila na dapat mas bigyan ng timbang ang artistic merits ng isang pelikula kaysa commercial viability niyon. Binanggit din niya na ang pagkakasali ng mga commercially viable films noong nakaraan sa festival ay binabatikos na ng mga kritiko. Iyang si Tiongson ay miyembro rin ng …

Read More »