Sunday , November 17 2024

Bong Son

NANINDIGAN si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hangga’t hindi nakapapanumpa si Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi maituturing na opisyal ang kanyang mga pahayag. Kaugnay nito, kaya pansamantalang idineklara ng Senador ang ‘ceasefire’ habang binabantayan ang mga susunod na hakbang ng mauupong Pangulo. Idineklara ito ni Trillanes nang dumalo sa nangungunang media forum na KAPIHAN sa Manila Bay …

Read More »

BIGAS HINDI BALA! Ito ang sigaw ng mga militante at kaanak ng mga magsasakang anila’y minasaker noong Abril 1, sa kanilang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice (DoJ) upang ipanawagan ang pagpapalaya sa 71 magsasakang inaresto ng mga pulis sa Kidapawan, North Cotabato. ( BONG SON )

Read More »

SINAMPAHAN ng kasong kidnapping, murder at robbery ang tatlong pulis na sina Inspector Elgie Jacobe, PO1 Mark Jay Delos Santos at PO1 Edmon Gonzales at ang mga sibilyan na sina Do-mingo Balanquit at Empire Salas kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Adora Lazatin na inilagay ang bangkay sa drum at ipinaanod sa Ilog Pasig. Ang mga suspek ay …

Read More »

UPANG maginhawaan sa tindi ng init ng panahon at makatipid imbes na mag-outing sa beach, naligo na lamang ang mga kabataan sa portable swimming pool sa Road 10, Tondo, Manila. ( BONG SON )

Read More »

MAHIGPIT pa ring ipinatutupad ng Manila Police District (MPD) ang police checkpoint sa Road 10, Tondo, Maynila bilang bahagi ng pagpapatupad ng Comelec gun ban. ( BONG SON )

Read More »

NAGKAMAY sina congressman Amado Bagatsing at nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa ginanap na “Thrilla at UP Manila Round 2” pero desmayado ang nagtaguyod na The Good Neighbor’s Initiative (GNI) dahil hindi sila sinipot ni Erap Estrada nang walang ano mang abiso. ( BONG SON )

Read More »

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupo ng health workers sa United Nation Avenue sa Maynila kasabay ng paggunita sa World Health Day kahapon. Mahigpit nilang tinututulan ang pagsasapri-bado ng mga pagamutan. ( BONG SON )

Read More »

NAKOMPISKA mula sa 83 kalalakihan ang P2.5 milyon halaga ng shabu, drug paraphernalia at mga baril sa isinagawang anti-drugs operation ng Manila Police District Station 3 sa loob ng Golden Mosque Compound sa Quiapo, Maynila. ( BONG SON )

Read More »

NAGMARTSA ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) kasama ang grupo ng Kabataang Makabayan bilang pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) sa Mendiola Bridge sa San Miguel, Maynila kahapon. ( BONG SON )

Read More »

IGINUHIT NG TADHANA. Tila iniaadya ng pagkakataon, nagkita at nagyakap ang ‘nagtuturingang mag-utol’ na sina senators Bongbong Marcos at Grace Poe sa gilid ng  gusali ng PhilPost sa Plaza Lawton, matapos magsalita ng lalaking senador sa proclamation rally ni Erap. Ang ‘mag-utol’ ay kapwa inendoso ni Estrada bilang tumatakbong presidente at bise-presidente para sa   May 9 elections. ( BONG SON …

Read More »

INAAYOS ng mga tauhan ng Meralco ang bumagsak na transformer makaraan sumabit sa isang container van at tinakbuhan ng hindi nakilalang driver sa Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila.  ( BONG SON )

Read More »

IPINAABOT ni Dr. Benjamin Mendillo Jr., Puno ng Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pasasalamat sa HATAW Diyaryo ng Bayan sa pagtataguyod at paggamit ng wikang Filipino sa tamang paraan sa Kapihang Wika na ginanap sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kahapon. Naniniwala ang KWF na makatutulong ang pahayagan sa kanilang isinusulong na …

Read More »

NAGMARTSA patungo sa U.S. Embassy ang mga raliyista bilang paggunita sa ika-117 anibersaryo ng Philippine-American War, at iginiit ang abolisyon sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). ( BONG SON )

Read More »

THUMBS DOWN! Tinutulan ng grupong Greenpeace Philippines Movement for Climate Justice ang mga planta ng uling. Idiniin nilang 2,400 Filipino ang namamatay kada taon dahil sa ibinubugang usok ng mga planta ng uling. ( BONG SON )

Read More »

SINALUBONG ng kilos-protesta ng mga kabataang miyembro ng Anakbayan ang biglaang pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo, at sabay-sabay na sinilaban ang logo ng tatlong mala-king kompanya ng langis sa Trabajo Market sa España, Maynila.  ( BONG SON )

Read More »

CHINESE NEW YEAR. Mabenta ngayon sa Binondo, Maynila ang Chinese New Year decorations para sa nalalapit na pagdiriwang ng Year of the Monkey sa Pebrero 8. ( BONG SON )

Read More »

IPINAKIKITA sa media ng mga opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng Bureau of Customs (BoC) ang nakompiskang koleksiyon ng mga alahas mula sa pamilya Marcos, sa Bangko Sentral ng Pilipinas kahapon. ( BONG SON )

Read More »

WALANG PAHINGA ANG PROTESTA. Mahigpit man ang seguridad na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) tuloy ang protesta ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura St., sa Ermita, Maynila para kondenahin ang magarbong preparasyon at perhuwisyo sa traffic at pangkaraniwang mamamayan nang isara ang Roxas Blvd., at iba pang pangunahing kalye sa …

Read More »

SINUNOG ng mga miyembro ng militanteng grupong Anakbayan at Bayan Muna ang bandila ng Estados Unidos sa kanilang protesta sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard,   Maynila kaugnay sa kanilang pagtutol sa APEC Summit at pagtuligsa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) (BONG SON)

Read More »

VENDORS APEC-TADO. Nagkilos-protesta ang mga vendor at militanteng grupo sa harap ng Manila City Hall bilang pagkondena sa pagbuwag sa kanilang pwesto sa public market at pagkompiska sa kanilang mga paninda ng mga tauhan ng Manila City Hall at MMDA bunsod ng gaganaping APEC Summit. (BONG SON)

Read More »

INHUSTISYA kinondena ng mga militante at katutubong Lumad sa pamamagitan ng pagkulapol ng pinturang itim sa logo at pinalitan ng injustice ang salitang justice sa Department of Justice (DoJ). Nakita rin na laglag ang letrang D, dalawang E, P at A mula sa salitang department at padre sa Padre Faura St., Ermita, Maynila. (BONG SON)

Read More »

TONE-TONELADANG basura ang naipon ng mga tauhan ng Department of Public Service (DPS) ng Manila City Hall makaraan ang paggunita sa Undas sa Manila North Cementery. (BONG SON)

Read More »

Magkasabay na nag file ng kanilang kandidatura sa comelec sina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero para sa pagka pangulo at pangalawang pangulo sa 2016 presidential election (( BONG SON))

Read More »

Magkasabay na nag file ng kanilang kandidatura sa comelec sina Mar Roxas at Leni Robredo para sa pagka pangulo at pangalawang pangulo sa 2016 presidential election (( BONG SON))

Read More »

IPINAPAKITA nina Bureau of Customs (BoC) Commissioner Alberto Lina at Deputy Commissioner for Enforcement Group Ariel Nepomuceno ang kahon-kahong smartphones at hightech gadgets, used TV sets at RTWs na nasabat sa Manila International Container Port (MICP) mula HongKong na tinatayang umabot sa halagang P6 milyon. (BONG SON)

Read More »