Thursday , December 5 2024
Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas Honey Lacuna

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas, bukas na — Mayor Honey

GOOD news para sa  pet lovers.

Binuksan na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan  ang pet clinic and animal shelter sa Vitas, Tondo, pati na rin ang  bagong matadero kung saan sinabi ng alkalde na makatitiyak ang lahat ng mga namamalengke ng malinis at ligtas na mga karne.

Ang nasabing facilitites, ayon sa alkalde ay mahalaga at makabubuti sa mga residente ng lungsod na kumukonsumo ng karne araw-araw, pati sa mga fur parents.

         “Itong slaughterhouse na itinuturing na bahagi ng ating food supply chain ay planta kung saan ipinoproseso upang maging karne ang mga hayop tulad ng baboy at baka kalaunan ay maaaring kainin ng mga tao. Sa pagkakaroon ng malinis at maayos na slaughterhouse ay mabibigyan tayo ng katiyakan na de-kalidad din ang mga karne na madadala sa mga pamilihan dito sa ating lungsod,” sabi ni  Lacuna.

Idinagdag ng alkalde na: “Inaasahan natin ang masusing pagsusuri na gagawin ng ating veterinary inspectors sa ilalim ng ating VIB na pinamumunuan ni Dr. Nick Santos upang siguraduhin na walang sakit, walang dalang anumang mikrobyo ang mga hayop na dinadala dito sa Vitas at lahat ng mga karneng manggagaling dito at dadalhin sa mga pamilihan ay sertipikadong walang panganib na maaaring makaapekto sa mga mamimili. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng proteksiyon ang kalusugan ng taongbayan.”

Ayon kay Lacuna, ang bagong Animal Shelter and Pet Clinic ay layuning tulungan ang mga may alagang aso at pusa.

 “Batid ng marami na ang pagkakaroon ng pet ay magandang stress reliever. Totoong nakatatanggal ng pagod kapag pag-uwi mo sa bahay ay sasalubungin ka ng masaya at aktibong alaga mong hayop. Sabi nga po, mas masarap pa minsan na kasama ang alagang hayop dahil mas loyal pa silang kaibigan,” ani Lacuna, na nabatid na may alagang 15 aso.

Nanawagan si Lacuna sa lahat ng residente ng Maynila na alamin ang mga responsibilidad kapag bumibili o tumatanggap ng alagang hayop.

Ayon pa sa alkalde, ang mga alagang hayop ay maaaring dalhin sa clinic/ shelter kung saan sila puwedeng gamutin nang libre.

Bukod sa x-ray, laboratory, at surgery rooms, ang  facility ay nagbibigay din ng pet grooming.

Sinabi ni Lacuna na ito ang magsisilbing city pound kung saan ang mga asong palaboy ay dadalhin.

“Nagpapasalamat tayo sa bawat Manilenyo na gumaganap sa kanilang tungkulin bilang mabuting mamamayan. At kami naman sa pamahalaan ay nagsisikap na maging masinop, maingat at maging wasto sa paggamit ng pondong nagmula sa ating lahat na taxpayers. Alay namin ni Vice Mayor Yul Servo Nieto ang lahat ng proyektong inilulunsad natin kasabay ang mga programa at serbisyong inihahatid natin diretso sa tao.  At asahan po ninyo na Manilenyo ang laging Una kay Dra. Honey Lacuna,” (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …