Wednesday , December 11 2024
Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang tagumpay ni Zeus Babanto, Silver Medalist sa World Youth Jiu-Jitsu Championship sa Greece.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kilalang tao sa martial arts community, kabilang ang Judo National Team Olympian Capt. Benjie McMurray, Ret., Judo Black Belt Dr. Jose Antonio E. Goitia, PhD, Presidente ng Philippine Combat Sports Association (PCSA) at 1st nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party List, Coach Stephen Kamphuis, Head Coach ng Jiu-Jitsu National Team at proprietor ng KMA Gym, Coach Estie Gay D. Liwanen ng Kurash Philippines, Jiu-Jitsu Federation of the Philippines, at ang ating Judo coach, Gen. Joel Joseph Cabides (AFP) (Ret.), Presidente ng ating Veterans Judo Club at dating Commanding General ng AFP Reservist Command.

Ipinaaabot naman ng pamunuan ng PCSA ang kanilang pasasalamat kay G. Vic Pinlac, Judo at Wrestling Practitioner at dating Secretary General ng PAJA at G. Gil Montilla.

Ipinahayag naman ng PCSA, sa ilalim ng pamumuno nina Dr. Goitia at Capt. Mcmurray, ang paparating na 1st President Ferdinand R. Marcos, Jr. Combat Sports Championship na nakatakda sa Pebrero 2025.

Nabatid na ang prestihiyosong kaganapang ito ay magtatampok ng maraming disiplina sa martial arts mula sa buong mundo, kabilang ang Jiu-Jitsu, Wushu, Kurash, Judo, Muay Thai, at Taekwondo.

“Join us this February 2025 at ULTRA in Pasig City as we embark on a new era in combat sports, dedicated to producing future champions,” saad ng PCSA.

Inaanyayahan naman ng PCSA ang lahat ng martial arts practitioners na lumahok sa makasaysayang kaganapan at tumulong sa paghubog ng kinabukasan ng Philippine combat sports.

“Sama-sama, bigyan natin ng inspirasyon at bigyang kapangyarihan ang susunod na henerasyon ng mga atleta!” saad pa ng PCSA. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …