Friday , June 26 2026
Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto at ang buong Asenso Manileño team  sa senior citizens ng Maynila.

Ang aktibidad ay nataong kasabay ng payout  ng senior citizens allowances para sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre 2024.

Nabatid sa tanggapan ni Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto na ang lungsod ay kasalukuyang may 191,144 seniors citizens at bawat isa ay tatanggap ng P2,000.

Ang halaga ay kumakatawan sa P500 buwanang allowance na bahagi ng special amelioration program (SAP) na ipinasa ng  Manila City Council nang si Lacuna pa ang presiding officer.

Bukod sa senior citizens, ang mga beneficiaries ng nasabing programa at tumatanggap din ng monthly allowance ay ang mga persons with disability, solo parents at mag-aaral mula sa dalawang city-run universities na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ng Universidad de Manila (UDM).

Kasabay nito, nagbigay din ng tulong pinansiyal sina  Lacuna at  Servo sa may kabuuang 244 residente na nagpapagamot sa sakit na cancer at nagda-dialysis.

Ang mga pasyente ay personal na hinarap at binigyan nina Lacuna at Servo ng tulong sa People’s Day, regular na ginagawa sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

Ang nasabing programa ay regular na inisyatibo ng   administrasyon ni Lacuna bilang pagkilala sa pangangailangan ng mga residente na dumaranas ng cancer at sakit sa kidney.

“Nais po ng pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng ganitong simpleng paraan ay makapagbigay kahit paano ng tulong para sa inyong pagpapagamot,” ani  Lacuna. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

CAFGU

Opisyal na pahayag ng hukbong katihan ng Pilipinas sa papel ng CAFGU

​NILINAW sa publiko at stakeholders ng Philippine Army (PA) na gamitin ang wasto o tamang …

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …