Saturday , December 21 2024

Arabela Princess Dawa

Blue Eagles umibabaw sa Tamaraws

GINILITAN ng Ateneo Blue Eagles ang defending champion Far Eastern University Tamaraws, 1-0 nung isang araw  sa UAAP men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium. Dumagit ng puntos si rookie Jarvey Gayoso sa 80th minute para palakasin ang tsansa ng Ateneo na dumapo sa Final Four. Nagkaroon ng pagkakamali ang Tamaraws keeper na si Ray Joyel at hindi ito pinalampas …

Read More »

MMA pinoy fighters sa ONE

GAGAWIN lahat ni American Champion Ben Askren para mapaligaya nito ang mga Pinoy fans sa kanyang laban kay Nikolay Aleksakhin sa five-round contest ng  ONE: GLOBAL RIVALS, ONE Welterweight World Championship sa Biyernes (Abril 15) sa Mall of Asia Arena. Ipagtatanggol ni Askren ang kanyang welterweight belt laban kay Russian fighter, Aleksakhin. “I owe the Filipino fans. The last time …

Read More »

Pacers pasok sa Playoffs

UMABANTE sa playoffs ang Indiana Pacers matapos tambakan ang Brooklyn Nets 129-105 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Bumanat si Myles Turner ng 28 points at 10 rebounds habang kumana si Solomon Hill ng 13 points at 12 rebounds para ilista ng Indiana ang 43-37 win-loss slate at upuan ang seventh place sa Eastern Conference. Bumakas sina …

Read More »

PCU pinagpag ang AMA

Nagpaputok ng 18 three-point shots ang dating  NCAA champion Philippine Christian University-Lilac Experience upang paluhurin ang AMA-Wang’s Ballclub , 124-102, sa  2016  MBL Open basketball championship sa EAC Sports and Cultural Center sa Manila. Hindi masyadong nahirapan ang PCU sa kanilang panalo dahil sa tinikada ni Mike Ayonayon ang 29 puntos, kasama ang pitong three-pointers habang may apat na triples …

Read More »

Subido humakot ng medalya (Paralympics)

Humarbes sina national differently-abled athletes Ronald Subido at Arman Dino ng gold medals sa katatapos na 5th PSC-PhilSpada National Paralympic Games 2016 sa Markina City Sports Center. Nilangoy ni Subido ang swimming men’s S9 50-meter at 100m freestyle gold medals para idagdag sa naunang golds nito sa 400 free at 100 butterfly events ng palaro. “Hindi ko akalaing magiging atleta …

Read More »

Big Guns gitgitan sa LBC Ronda

PUKPUKAN ang Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation pagsipa ng Luzon Leg, LBC Ronda Pilipinas 2016 umpisa sa Paseo de Sta. Rosa at matatapos sa tuktok ng Baguio City sa Abril 9. Ipagyayabang ng Navy team sina Visayas Leg champion Ronald Oranza, Mindanao Leg winner Jan Paul Morales at Visayas Leg’s second placer Rudy Roque para makamit ang asam na …

Read More »

Ray Parks kuminang sa NBA D-League

Sumiklab si former National University Bulldogs star Bobby “Ray Ray” Parks Jr.sa NBA D-League matapos tumikada ng 16 points para akbayan ang Texas Legends sa 139-109 panalo kontra Oklahoma City Blue sa Dr. Pepper Arena sa Frisco, USA. May follow-up stats pa si Fil-Am guard at two-time UAAP Most Valuable Player Parks ng four rebounds at tig tatlong assists at …

Read More »

Villanueva binitbit ang OLLTC sa MBL

Umangas si Ivan Villanueva upang itaguyod ang Our Lady of Lourdes Technological College sa 107-91 panalo kontra Macway Travel Club sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum. Rumatsada si 6-foot-3 Villanueva ng 34 puntos para pantayan ang dating single-game high ni  Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices laban sa OLLTC-Takeshi nung nakalipas na linggo. Nagpakitang gilas si Villanueva sa …

Read More »

Guanzon nanguna sa OPBF convention

DUMATING ang mga boxing officials mula sa ibang bansa para daluhan ang gaganaping 54th Oriental and Pacific Boxing Federation 2016 Convention sa Negros, Occidental Bacold City. Mga promoters, managers, referees at trainers na galing sa mga bansang miyembro ng OPBF ang humangos dito sa Pilipinas para pag-usapan ang gagawing revision ng ilan sa provisions ng rules and regulations ng OPBF. …

Read More »

PSL All-Star squad tumikim ng panalo

NAKATIKIM ng panalo ang Petron-Philippine Superliga All-Star squad matapos tambangan ang Hong Kong, 25-22, 25-15, 25-20, sa Thai-Denmark Super League sa Bangkok. Friendly match na lang ang naging laban ng Filipinas dahil tanggal na sila sa nasabing torneo. Luhod ang Petron-PSL team sa four sets sa Bangkok Glass, lupaypay din sa tatlong sets sa Idea Khonkaen at muli ay dapa …

Read More »

Cavs pinaulanan ng tres ang Clippers

NAGPAULAN ng three-pointers ang Cleveland Cavaliers upang kalampagin ang Los Angeles Clippers, 114-90 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Nagbaon ng 27 points, anim na rebounds at limang assists kasama ang three-of-four sa tres si basketball superstar LeBron James para tulungang ilista ang three-game winning streak ng Eastern Conference defending champion Cleveland at itarak ang 47-18 win-loss …

Read More »

Roque kumaskas sa stage 2

HUMARUROT si Navy-Standard Insurance Rudy Roque papuntang finish line upang sungkitin ang Stage 2 criterium ng Visayas leg LBC Ronda Pilipinas 2016 sa Iloilo Business Park, Iloilo City. Umoras si 23-year-old Roque ng one hour, seven minutes at 26.69 seconds para talunin ang mga kakamping  sina Stage 1 winner Ronald Oranza (1:07:26.75) at Mindanao Leg champion Jan Paul Morales (1:07:26.83). …

Read More »

FX Logistics nakalusot sa Cignal

NAKALUSOT ang F2 Logistics sa Cignal matapos kampayan ang 25-18, 25-17, 21-25, 25-22 panalo sa PLDT Home Ultera Philippine Superliga Invitational Conference women’s volleyball sa Batangas City Sports Coliseum. Mahalaga ang panalo ng Cargo Movers dahil nagkaroon sila ng tsansa na sumampa sa final round sa event na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller, Grand Sport at broadcast partner TV5. …

Read More »

Oconer, Morales bantay sarado sa Ronda

MARKADO sina George Oconer ng LBC-MVP Sports Foundation developmental team at Mindanao Leg champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ng kanilang mga makakatunggali sa pagsikad ng Visayas Leg ng LBC Ronda Pilipinas 2016 simula ngayong araw, Marso 11 hanggang 17. Lalarga ang mga siklista umpisa ng Bago City at matatapos sa Roxas City. Magbibigay din ng magandang laban ang …

Read More »

2 cheerdancers isinugod sa ospital

SUMABLAY sa kalkulasyon ang dalawang Mapua Cheerping Cardinals member kaya masama ang landing nila sa  91st NCAA cheerleading competition sa MOA Arena sa Pasay City. Kahit nasaktan, tinapos pa rin nina team captain Noel Laforteza Jr. at Dale De Guzman ang kanilang routine bago isunugod sa ospital para maeksamin at gamutin ang sugat na natamo. ”Hindi po maganda ang pagkakasalo …

Read More »

Maliksi PBA Player of the Week

MALAYO pa ang hahabulin ng Star Hotshots kahit nagwagi sila sa huli nilang laro, pero dahil sa magandang ipinakikitang laro ni Allein Maliksi ay posibleng makita nila ang tamang timpla sa kanilang koponan. Kumana ng  6-of- 6 sa three-point territory si Maliksi para alisan ng signal ang Talk ‘N Text Tropang Texters 96-88 sa nakaraang laro  sa 2016 Oppo-PBA Commissioner’s …

Read More »

Tate pinadapa si Holm

UMUWING luhaan si Holly Holm matapos maagaw sa kanya ang women’s bantamweight title nang padapain siya ni Miesha Tate sa fifth round ng kanilang UFC 196 sa MGM Grand Garden Arena. Si Holm ang nagpalasap ng unang kabiguan ni Ronda Rousey noong Nobyembre 2015 at dahil sa panalo ni Tate, naging pangatlong 135-pound champion siya sa UFC history Pukpukan sina …

Read More »

Kazakh rider lumalapit sa titulo

MAY isa pang lap pero malinaw na kung sino ang magkakampeon sa nagaganap na Le Tour de Filipinas. Aksidente na lang ang maaaring makapigil kay Oleg Zemlyakov ng Kazakhstan sa asam na titulo dahil masyadong malayo sa kanya ang pagitang oras ng kanyang mga katunggali. ”Siguro aksidente na lang ang magiging sagabal kay Zemlyakov para mag-champion,” ani race comptroller Paquito …

Read More »

UST sinagpang ang Bulldogs

PINULUPUTAN ng UST ang National U matapos sa ilista ang 25-14, 25-18, 17-25, 19-25, 15-12, panalo sa UAAP Season 78 women’s volleyball sa Mall of Asia Arena. Nanakmal ng tig-21 points nina Cherry Rondina at EJ Laure upang hablutin ng Tigresses ang ikalawang sunod na panalo tungo sa 2-3 baraha. “Mahirap talagang kalaban ang NU,” ani UST coach Kungfu Reyes. …

Read More »

Lavine back-to-back Slam Dunk King

KINALDAG ni Zach LaVine ang pangalawang sunod na titulo matapos talunin si Aaron Gordon sa Finals ng 2016 All Star Slam Dunk contest sa Toronto. Ipinakita ni Gordon ang taas ng kanyang talon nang lundagin nito ang kanyang mascot pero mas mataas umere si Lavine kaya nasikwat nito ang pinakamataas na puntos galing sa mga judges. Parehong nagpakita ng angas …

Read More »

Donaire, Nietes, Tabuena sa PSA Awards

MARKADO noong nakaraang taon sina world champions Donnie Nietes at Nonito Donaire, Jr. sa boxing at si Asia Tour winner Juan Miguel Tabuena sa golf dahil sa mga karangalang ibinigay sa Pilipinas. Kaya naman sosyo ang tatlo sa MILO-San Miguel Corp.-Philippine Sportswriters Association Athlete of the Year sa Annual Awards Night sa One Esplanade sa Pasay City sa darating na …

Read More »

James, Love binitbit ang Cavs

PATULOY ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference matapos kalampagin ang Phoenix Suns, 115-93 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season. Kumana sina star players LeBron James at Kevin Love upang tulungan ang Cavaliers na hablutin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 32-12 karta. Kahit lamang ang Cleveland, 55-50 ay medyo hindi maganda ang kanilang …

Read More »

40 puntos kinana ni Butler sa 2nd half

HUMATAW si Jimmy Butler ng 40 puntos sa second half upang tulungan ang Chicago Bulls na suwagin ang Toronto Raptors, 115-113 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Dalawang puntos lang ang naitala ni Butler sa unang dalawang quarters kaya naman nakalamang ang Raptors, 48-60. Bukod sa pagtala ng 40 puntos, nabura ni Butler ang inukit na history …

Read More »

Frayna 2nd place sa Jakarta

DALAWANG panalo at dalawang tabla ang tinarak ni Pinay WIM Janelle Mae Frayna upang hablutin ang second place sa katatapos na 3rd ASEAN JAPFA Chess Championships 2015 na ginanap sa Grandmaster Utut Adianto Chess School sa Jakarta, Indonesia. Kinaldag ni 19-year old Bicolana at FEU student na si Frayna (elo 2272) sina WFM Azman Hisham Nur Najiha (elo 2009) ng …

Read More »

Love, James nagpasiklab

NAGPASIKLAB si Kevin Love matapos mamarako ng 34 puntos upang saklolohan ang Cleveland Cavaliers sa 117-103 panalo kontra Orlando Magic kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular seson. Bukod sa season-high puntos ni Love kumana rin siya ng eight rebounds at four assists upang ilista ng Cavaliers ang 11-3 karta,  ang 8-0 sa home. Hindi naman nagpadaig ang four-time …

Read More »