Wednesday , March 22 2023

2 cheerdancers isinugod sa ospital

SUMABLAY sa kalkulasyon ang dalawang Mapua Cheerping Cardinals member kaya masama ang landing nila sa  91st NCAA cheerleading competition sa MOA Arena sa Pasay City.

Kahit nasaktan, tinapos pa rin nina team captain Noel Laforteza Jr. at Dale De Guzman ang kanilang routine bago isunugod sa ospital para maeksamin at gamutin ang sugat na natamo.

”Hindi po maganda ang pagkakasalo sa basket tosses so nagkaroon siya ng konting concussion sa ulo tapos medyo nag-blurred siya e. Nagkaroon daw siya ng delayed sa reaction,” kuwento ni Mapua coach Ian Diamante.

Nasugatan sa kanang kilay si De Guzman.

“Nu’ng na-checkup siya ng PT (physical therapist) namin at medical team ng NCAA for possible hematoma raw. So ipa-follow up checkup lang pero wala naman siyang signs ng talagang hematoma. For security purposes na lang,” paliwanag ni Diamante.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply