Friday , December 9 2022

MMA pinoy fighters sa ONE

GAGAWIN lahat ni American Champion Ben Askren para mapaligaya nito ang mga Pinoy fans sa kanyang laban kay Nikolay Aleksakhin sa five-round contest ng  ONE: GLOBAL RIVALS, ONE Welterweight World Championship sa Biyernes (Abril 15) sa Mall of Asia Arena.

Ipagtatanggol ni Askren ang kanyang welterweight belt laban kay Russian fighter, Aleksakhin.

“I owe the Filipino fans. The last time I was in Manila obviously the bout didn’t have the outcome anyone wanted and my opponent was a lot less than courageous in faking his eye injury.” Wika ni Askren.

Masisilayan ang pitong Pinoy sa 10 pares ng laban, kabilang ang dalawang top Filipino mixed martial artists na sina Eric “The Natural” Kelly at Honorio “The Rock” Banario.

Kabalibagan ni Kelly, (12-2) si Timofey Nastyukhin (9-2) ng Russia para sa featherweight title habang babaldugin ni Banario, (8-6) ang kapwa Filipino at former URCC standout Vaughn “The Spawn” Donayre (8-4).

Magsasagupa muna ang mga Pinay sa unang bout, maghaharap sina April Osenio at Batalie Gonzales Hills para sa Atomweight category.

Sa Bantamweight division, haharapin ni Geje Eustaquio ng Team Lakay at Wushu Xanda champion si Malaysian MMA hero, Gianni Subba, susunod ang labanan nina Lowen Tynanes, Hawaiian Elite MMA champion at  Koji Ando, Asia-Pacific lightweight champion ng Tokyo sa kanilang Lightweight category.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

David Elorta open kitchen Chess

Mga bagong mukha sa PCAP Grand Finals, Negros, Pasig magtutuos

MATAPOS ang dalawang buwang elimination phase at playoffs ay magtutuos ang Negros Kingsmen at Pasig …

Chito Rivera COPA SLP Fred Ancheta TOPS

SLP, COPA magkaisa para sa kaunlaran ng sports

NAGKAKAISA ang mga lider ng Swim League Philippines (SLP) at Congress in Philippine Aquatics, Inc. …

120922 Hataw Frontpage

Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN

HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting …

Antonella Berthe Murillo Racas Chess PAPRISA

WNM Racasa nagkampeon sa PAPRISA chess meet

MANILA — Pinatunayan ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa na isa sa country’s …

Kim Steven Yap

Manny Pacquiao International Open Chess Festival tutulak sa 13 Disyembre

MANILA — Ang pinakamalaking chess competition sa bansa, ang Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) tampok …

Leave a Reply