Friday , March 31 2023

Roque kumaskas sa stage 2

HUMARUROT si Navy-Standard Insurance Rudy Roque papuntang finish line upang sungkitin ang Stage 2 criterium ng Visayas leg LBC Ronda Pilipinas 2016 sa Iloilo Business Park, Iloilo City.

Umoras si 23-year-old Roque ng one hour, seven minutes at 26.69 seconds para talunin ang mga kakamping  sina Stage 1 winner Ronald Oranza (1:07:26.75) at Mindanao Leg champion Jan Paul Morales (1:07:26.83).

Nakopo rin ng Navy-Standard Insurance team ang 1-2-3 punch.

“The plan is to win every significant award possible,” wika ni Roque tubong Bataan.

Hinamig ni Roque ang 15 general individual classification points para tapatan ang 28 puntos output ni Oranza sa kabuuan matapos ang dalawang stage.

Subalit isusuot pa rin ni 23-year-old Oranza ang red jersey at overall lead dahil mas mabilis ang oras nito, 2:16:50.69 kumpara sa 2:16:50.77 ni Roque.

“I’m happy that a Navy teammate won,” sabi ni Oranza, nakahablot na ng six stage victories kasama ang first two stages sa Mindanao Leg sa Butuan City nitong nakaraang buwan.

Pumang-apat si El Joshua Carino ng Navy (1:09:50.38) sumunod si Ronald Lomotos (5th) ng Team LBC-MVP Sports Foundation, (1:09:50.40).

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *