Wednesday , March 22 2023

Lavine back-to-back Slam Dunk King

KINALDAG ni Zach LaVine ang pangalawang sunod na titulo matapos talunin si Aaron Gordon sa Finals ng 2016 All Star Slam Dunk contest sa Toronto.

Ipinakita ni Gordon ang taas ng kanyang talon nang lundagin nito ang kanyang mascot pero mas mataas umere si Lavine kaya nasikwat nito ang pinakamataas na puntos galing sa mga judges.

Parehong nagpakita ng angas sina Lavine at Gordon kaya naman dikit lang ang kanilang mga puntos.

“He did two dunks that were just crazy with the mascots, jumping over them.” ani LaVine. ng Minnesota Timberwolves.

Nagpakitang gilas din ang kakampi ni LaVine sa Timberwolves na si rookie center Karl-Anthony Towns dahil sinungkit nito ang titulo sa Skills Challenge.

Hindi naging hadlang kay Towns ang taas na 7-foot-0 at ipinakita nito ang kanyang bilis.

Tinanghal din na MVP si LaVine sa Rising Stars Challenge ng rookies at second-year players.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply