Thursday , June 13 2024

Ray Parks kuminang sa NBA D-League

Sumiklab si former National University Bulldogs star Bobby “Ray Ray” Parks Jr.sa NBA D-League matapos tumikada ng 16 points para akbayan ang Texas Legends sa 139-109 panalo kontra Oklahoma City Blue sa Dr. Pepper Arena sa Frisco, USA.

May follow-up stats pa si Fil-Am guard at two-time UAAP Most Valuable Player Parks ng four rebounds at tig tatlong assists at steals sa 24 minutong paglalaro.

Sa fourth period, sumalpak ng isang malutong na dunk si Parks, anak ng dating PBA best import Bobby Sr. para lalong buhayin ang Legends at ilista ang pang 23rd win sa 49 na laro.

Umarangkada sa opensa ng Legends si Andre Dawkins na may 36 points, nag-ambag si Chris Douglas Roberts ng triple-double, (20 points, 11 rebounds at 10 assists).

Kumana si Jannero Pargo ng  25 points para sa Oklahoma City na nalasap ang pang 31st na talo sa 50 na laro.

Nakapamewang sa third spot sa Southwest Division ang Legends sa likuran ng Austin Spurs na may 29-20 record at Rio Grande Valley Vipers (28-21).

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16

Kasado na ang “Langoy Pilipinas’ Age-Group Swimming Championship sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex …

Tolentino ROTC Games

Mga atletang kadete ng Philippine Army una sa Visayas Leg ng ROTC Games 2024

NANGUNA ang mga atletang kadete mula sa Philippine Army sa Visayas qualifying leg ng Philippine …

Jirah Floravie Cutiyog Chess

Jirah Floravie Cutiyog nagreyna sa 2024 National Age Group Chess Championships U-16 Girls Elimination FIDE Standard tilt

Dumaguete City — Nagkampeon si Jirah Floravie Cutiyog sa 2024 National Age Group Chess Championships …

Michael Concio Jr Chess

IM Concio, Jr., nagkampeon sa 64th San Carlos Charter Day Open Rapid Chess Tournament

SAN CARLOS CITY — Nagwagi si International Master (IM) Michael Concio, Jr., sa 64th San …

Asia ParaTriathlon Championships

Jiachao Wang kampeon sa 2024 NTT Asia Triathlon  Para Championships

MATAGUMPAY na ipinamalas ang lakas at determinasyon ni Jiachao Wang ng China upang angkinin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *