Sunday , December 22 2024

Katarungan para sa lahat ipaglalaban ni Kapunan

NANINDIGAN si Atty. Lorna P. Kapunan na napapanahon nang makamit ng samba-yanang Filipino ang kataru-ngan lalo na para sa maliliit nating kababayan na madalas maging biktima ng maling pagkiling ng hustisya.

Kumakandidato bilang pangatlong senadora na inendoso ni presidential bet Sen. Grace Poe, naniniwala si Kapunan na upang makamit ang tapat at tunay na kataru-ngan, kinakailangang manati-ling nakapiring ang mga mata ng hustisya.

“Sa pagkamit ng tunay na katarungan, hindi maaaring nakasilip ang isang mata at nagkukuwanring patas ang ti-ngin sa magkakaibang estado ng pamumuhay – mahirap man o mayaman. Dapat pantay-pantay ang paghahatol ng katarungan. Ito ang ating layunin. Simulan natin ang “laban para sa katarungan,” sabi ni Kapunan.

Nais din ng iginagalang na human rights lawyer na mapasakamay ng bawat Filipino ang mga pangunahing karapatan upang mabuhay nang maayos.

“Karapatan ng bawat Filipino ang edukasyon, tirahan, disenteng trabaho na may maayos na sahod. Kumain ng tatlong beses sa isang araw, hustisya, ligtas na komunidad at pangalagaan ang kalikasan. At ang mga karapatang ito ay dapat tuparin ng gobyerno dahil itinakda ito ng ating Saligang Batas,” diin ni Kapunan.

Bukod dito, target din ni Kapunan na makalikha ang pamahalaan ng sapat na bilang ng trabaho upang maiwasan na ang pangingibang bansa ng isang ama o ina na naglala-yong mapabuti ang kanilang pamumuhay.

“Hindi biro ang malayo ang isang magulang sa kanyang pamilya lalo na ang mga batang lumalaki na wala sa kanilang tabi ang kanilang tatay o nanay. Mahirap mabuhay sa ganitong kalagayan, isa itong kawalang katarungan,” paliwanag ni Kapunan.

Masosolusyonan lamang aniya ito kung makalilikha ang ating gobyerno ng mga hanapbuhay na maghihikayat sa ating overseas Filipino eorkers (OFWs) na umuwi na sa Filipinas at dito na lamang magtrabaho nang makapiling ang kanilang mga anak at kabiyak sa puso.

“Dito sila magtrabaho. Gagawa tayo ng paraan sa pamamagitan ng paglikha ng batas upang makapaghatag ng maraming oportunidad. Ang sagot ay hindi ang mag-export ng labor force. Ang sa-got ay ibalik natin ang mga OFW sa kanilang pamilya. Ibalik ang ating human resources at dito sila magtrabaho para sa progreso ng ating bansa,” dagdag ni Kapunan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *