ITINANGGI ni Matteo Guidicelli na engaged na sila ni Sarah Geronimo.
“No, No. Nothing. Everything is going smooth, everything is going well. We are both busy with our jobs. We are enjoying every minute and every hour of our relationship,” denial ni Matteo sa isang interview.
Maraming nakapansin na fans nila ni Sarah na parang hindi mapaghiwalay ang dalawa kaya naman naisip nilang engaged na ang young couple.
Napapadalas kasi ang pagsasama ng dalawa. Noong una ay sa wedding ng best friend ni Matteo. Pangalawa noong birthday niya at pangatlo noong Holy Week na dumayo pa si Sarah sa Cebu para lang makapiling si Matteo.
With that ay marami ang nagtatanong na fans nina Matteo at Sarah kung engaged na sila.
UNCUT – Alex Brosas