Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, sinadya si Pia sa NY para sa one-on-one interview

010716 korina pia wurtzbach

00 SHOWBIZ ms mGRABE talaga ang pagka-workaholic ni Miss Korina Sanchez. Biruin n’yo kahit Christmas season, sige pa rin ito sa pagtatrabaho. Sinadya pa pala ng magaling na TV host ng ABS-CBN ang Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa New York para mainterbyu.

Kung ang iba’y naglilibang-libang at pagsasaya ang ipinunta sa ibang bansa, hindi iyon ang sinadya ni Ate Koring. Kasama ang kanyang Rated K team at umarya sila sa NY para nga gawin ang istorya nila ukol kay Pia.

“Si Pia lang ang isa sa stories na ginawa niya roon. Si Pia ang highlight pero may iba pa siyang istoryang ginawa roon,” tsika ng ni Chuck Gomez, publicist ni Ms. K. “Maganda ang episode ng ‘Rated K’ this Sunday. Kaya sa buong tropa, sabay-sabay nating tutukan si Ate Koring sa ‘Rated K’ ngayong Linggo ng gabi!” giit pa ni Gomez.

Hindi naman daw kasama ni Ate Koring si Kuyang Mar Roxas sa nasabing trip sa NY. Sa mga larawang aming nakalap pawang mga taga-ABS-CBN2 nga ang nakita naming kasama ni Ate Koring.

“Hindi po ka-join si Sir Mar. Crew po niya sa ‘Rated K’ ang kasama niya and isa sa mga dapat abangan ngayong Linggo ng gabi ay ang exclusive sit-down interview niya with Pia,” giit pa ni Gomez.

Sa mga picture namang aming nakalap nariyang kasama niya sa isang elevator sina Direk Erick Salud,  Mother Biboy Arboleda ng Dreamscape Entertainment, Pam Pamintuan etc.. ”Here we are, mostly Pinoys from ABS-CBN, parang sardinas in an elevator going up to interview Miss Universe Pia Wurtzbach in a hotel in New York, yeeeheeee we are all excited!” ayon sa caption ni Ms. Koring.

May mga larawan din silang dalawa ni Pia gayundin nina Dyan Castillejo,Val Cuenca, at Don Tagala, ABSCBN NY Correspondent.

“Pia is smart, witty, kalog and fun. Not difficult at all interviewing her. She has many interesting stories to tell!,” sambit ni Korina.

“And with Miss Universe Pia! I asked her: ‘mabigat ba ‘yang crown? Totoo ba ang mga diamond? Has PNoy called you up yet? Are you still friends with Miss Colombia?” ito ang mga ilang katanungang dapat nating abangan sa one-on-one interview ni Ate Koring kay Pia na mapapanood ngayong Linggo sa Rated K.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …