Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Kute, crush si Andrea; nag-iipon pa para makabili ng lupa

010616 jm ibanez Andrea Brillantes

00 SHOWBIZ ms mNATUWA naman kami sa pagkabibo ni John Mark Ibanez o JM na sumikat at nakilala nang husto bilang anak ni Kute (Aiza Seguerra) sa Be Careful With My Heart na si Cho. Nagulat din kami na binata na pala ito at 11 taong gulang na.

Bale kasama siya sa unang pasabog na handog ng Viva Films ngayong 2016, ang Bob Ong’s Lumayo Ka Nga Sa Akin, isang epic trilogy to end all trilogies na mapapanood na sa January 13.

Bale isa siya sa anak nina Maricel Soriano at Mayor Herbert Bautista sa second episode na pinamahalaan ni Direk Andoy Ranay, ang Shake, Shaker, Shakest.

Ani JM, itong pelikulang ito ang maituturing niyang pinakamaganda sa anim na nagawa niya dahil ito raw ang pinakakompleto’s rekados. “Mayroon po kasi ritong, action, horror, comedy, drama, at romance. ‘Yung sa iba ko po kasing nagawa, drama lang o comedy lang ganoon po,” ani JM sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na ginawa noong Lunes sa Music Hall sa Metrowalk.

Alaga pala si JM ni Sylvia Sanchez at naikuwento nitong marami na siyang nagawang commercial, TV show, at pelikula. Kaya naman niloko namin ito na mayaman na siya. “Hindi po, nag-iipon nga po ako para makabili kami ng lupa,” anang bagets na nakagawa na pala siya ng 27 commercials, nakalabas na sa 18 TV shows, nakagawa na ng anim na pelikula at isang indie movie, at aktibo rin sa mga mall shows at iba pa.

At kahit abala sa kanyang career, nakita namin sa ipinadalang resume ng kanyang amang si Rommel na matalino talaga si JM dahil madalas na kasama ito sa honor.

Hindi rin nito itinanggi na crush niya ang aktres na si Andrea Brillantes na mas matanda sa kanya. “Crush ko po si Andrea kasi magaling siya at matangkad,” natatawang pagsi-share ng bagets at sinabi pang alam na raw ni Andrea na crush niya ito.

Samantala, kasama rin sa best-selling novel na Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Ong sina Benjie Paras at Candy Pangilinan mula sa episode na pinamahalaan ni Direk Mark Meily, ang Bala sa Bala, kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat at sina Cristine Reyes, Jayson Gainza, at Antoinette Taus naman ang magkakasama sa third episode na pinamahalaan ni Chris Martinez, ang Asawa ni Marie.

Kaya hindi na kailangang lumayo pa ng moviegoers para ma-experience ang thrill at high ng action, romance, comedy, horro, at drama sa iang upuan dahil mahahanap na nila ang lahat ng gusto nila sa Lumayo Ka Nga Sa Akin na handog ng Viva Films na mapapanood na sa Enero 13.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …