Saturday , November 23 2024

Gusto kong makatulong sa maliliit na producer — Cong. Fernandez sa paghahain ng resolution 2581

122915 monteverde fernandez maranan

00 SHOWBIZ ms mITINULOY ni Laguna Congressman Dan Fernandez ang pagpa-file ng resolution na nag-uutos sa imbestigasyon ng pagka-diskuwalipika ng Honor Thy Father sa Best Picture category ng 2015 Metro Manila Film Festival.

Isinumite ni Fernandez sa House of Representative ang House Resolution No. 2581, o ang resolutuon directing the committee on Metro Manila Development Authority to conduct an inquiry, in aid of legislation, on the disqualification of the film entry Honor Thy Father from the selection of Best Picture category of the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Kasamang niyang nag-file ang abogado ng Reality Entertainment na si Atty. Agnes Maranan at ang producer na si Dondon Monteverde.

Sinabi nina Maranan, Fernandez, at Monteverde na hindi dumaan sa due process ang pagdiskuwalipika sa Honor Thy Father.

Ani Fernandez, “Hindi ko ito ginagawa ito dahil kasama ako sa pelikula. Isang hamak na artista lang po ako, ang sa akin lang, gusto kong makatulong sa mga maliliit na producer ng pelikula kaya nag-file ako ng ganitong resolution.

“Fortunately nga, involved ako sa movie kaya nakita ko how hard it was done. In other words, ’yung pagkakaroon ng involvement ko sa pelikula, naging materyal upang makita ko at maramdaman ko ’yung nangyayari sa loob ng festival.

“There are some allegations, anomalies that were committed. And I think it is my bound duty to investigate this matter,” giit pa ng kongresista.

Sinabi pa ni Atty. Maranan na pinag-aaralan nila kung magsasampa sila ng kaso sa MMFF dahil sa nangyari.

Panawagan sa malalim na imbestigasyon

SINABI ni Dondon Monteverde ng Reality Entertainment at producer ng Honor Thy Father na igigiit nila ang imbestigasyon sa pagkadiskuwalipika ng kanilang pelikula para mas mabigyang linaw kung ano talaga ang nangyari.

“We respect the whole contest, even the winners. We respect kung ano man ang maging decision ng jury sa MMFF awards night. Ang hindi lang namin matanggap ay ang pag-disqualify sa Best Picture.

“Rito na ako lumaki sa industry na ito. Ito na ang nagpakain sa akin, ito na ang nagpa-aral sa akin. Kung ano man ang magagawa ng investigation na ito, hindi na natin mare-reverse lahat ng nangyayari currently kasi siyempre ang festival, it’s only two weeks. Pero kailangan ilabas natin ang transparency sa lahat ng ginagawa natin especially in a very credible festival like MMFF,” anang batang Monteverde.

Ani Monteverde, ginagawa nila ito ngayon hindi para maghabol sa kung anumang award kundi para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari sa hinaharap. “I’m doing this para in the future magkaroon naman tayo ng boses or due process sa bawat decision na gagawin nila kasi we really felt na there was no due process given to us. Sana hindi na maulit ang nangyaring ito.”

Carlos, handang sagutin ang anumang inquiry

SA kabilang banda, handa naman daw si MMDA chairman Emerson Carlos na sagutin ang anumang inquiry. “Haharapin po natin lahat iyan. We are not afraid of any investigation that may be conducted by anybody, by any institution.”

Iginiit pa ni Carlos na wala siyang personal na galit o anuman sa mga taong nasa likod ng pelikulang pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. “We want want to make it pure as possible. We did not impose the sanctions against the talents, the stars, the director because we want to make the message clear na ipinaaabot namin ‘yung mensahe sa mga nagkamali mismo.”

Samantala, kaugnay pa rin ng usaping ito, tamang-tama naman ang House Bill No 6300 na isinusulong ni Fernandez, ito ay ang An Act Mandating Movie Theater Operators Nationwide to run MTRCB Approved and Rated Local Movies to Support Local Movie Producers and Promote Original Filipino Movies.

Layunin ng resolusyong ito na suportahan ang local movie producer para ma-encourage at ma-motivate pa sila na gumawa ng maraming pelikula na makatutulong makapagbigay ng maraming trabaho sa mga Pinoy. Makatutulong din daw ito para maengganyo ang mga kabataan na manood ng orihinal na Filipino movies na magpapaunlad at mas maka-eenganyo ng pagiging makabayan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *