Sunday , December 22 2024

Barangay manguna laban sa karahasan sa kababaihan (Hamon ni Marcos)

HINAMON ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga barangay na manguna sa kampanya para protektahan ang kababaihan laban sa karahasan kasabay ng pangako ng kanyang buong suporta sa naturang pagkilos.

Sa kanyang mensahe sa “18-Day Campaign to End Violence Against Women” sa Tanauan City National High School sa Batangas, sinabi ni Marcos na dapat laging handa ang mga opisyal ng barangay na tumulong sa mga kababaihan na nakararanas ng karahasan.

“Alam dapat ng mga kapitan, mga kagawad at mga tanod na ang VAWC o ‘Violence Against Women and their Children’ ay hindi isang pribadong away na hindi dapar pakialaman at dapat magbulag-bulagan na lamang,” giit ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government.

Nababahala si Marcos na makaraang maipasa noong 2004 ang R.A. 9262 o ang batas na  ”Anti-Violence Against Women and their Children” ay tumaas pa ang mga kaso ng karahasan sa kababaihan, mula sa 218 kaso nang taong iyon, sa 9,000 kaso noong 2011.

Ayon sa ulat ng PNP Women and Children Protection Center, tumaas din ang mga kaso ng rape mula sa 2,000 noong taon 2000 ay naging 7,000 kaso nitong nakaraang taon, at 77 porsyento ng mga biktima ay menor de edad.

“Kailangan natin ang patuloy na edukasyon at pagbabago sa mentalidad at kultura ng taumbayan ukol sa karapatan ng mga kababaihan. Dapat mawala na ang mentalidad na ‘dapat lalaki lang ang bida at lalaki lang ang pinakamagaling,” ani Marcos.

Importante rin, ayon sa senador, na palakasin ang pamilyang Filipino, kasama na rito ang paniniwala at takot sa Diyos.

Dapat din aniyang paigtingin ang kampanya laban sa illegal na droga. Tinukoy niya ang maraming ulat tungkol sa mga ama na dahil sa lulong sa droga ay sinasaktan ang kanyang asawa at anak.

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *