Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Leni Robredo isusulong programa para sa urban poor

MANDAUE CITY – Nangako si Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, na ipupursige ang mga programang sinimulan ng yumaong asawa na si da-ting Interior Secretary  Jesse Robredo para sa urban poor.

“Isa sa mga unang programa ng aking mister nang maupo siya bilang mayor ng Naga ay pabahay sa informal settlers,” wika ni Robredo sa kanyang pagbisita sa 6.5-hectare relocation site sa Barangay Paknaan dito.

“Pinakauna niyang inasikasong sektor ang urban poor. Ang programa niya para sa urban poor sa Naga ay ginawang modelo sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas,” dagdag niya.

Sa programa ng yumaong asawa, sinabi ni Robredo na nabigyan ang informal settlers ng relocation sites na malapit sa pagkukuhaan ng ikabubuhay.

“Nang magsimula siya bilang mayor, gumawa siya ng isang modelo para sa urban housing na ang informal settlers ay tinatrato bilang kapartner sa pag-unlad,” paliwanag ni Robredo.

Sa kanyang pulong sa urban poor sector, ina-alala rin ni Robredo ang mga huling oras ni Sec. Jesse, na bumisita sa Cebu bago bu-magsak ang sinasakyang eroplano noong Agosto 2012.

“Kahit wala na ang asawa ko, kapag nakikita ko kayo, ang pakiramdam ko, buhay na buhay pa rin ang asawa ko sa isip at puso ninyong lahat,” wika ni Robredo.

Isang abogado ng mahihirap, nagtrabaho si Robredo kasama ang mahihirap na komunidad sa loob ng dalawang dekada bago tumakbo bilang kongresista noong 2013.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …