Saturday , November 23 2024

Aklan’s piña cloth ginamit sa barong ng APEC delegates

KALIBO, Aklan – Mula sa lalawigan ng Aklan ang Piña cloth na ginamit sa paggawa ng Barong Tagalog na isusuot ng mga delegado at kanilang mga asawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit na sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) provincial direrctor Engr. Diosdado Cadena, ang Piña fiber para sa espesyal na barong ay kabilang sa red Spanish type variety.

Isang kompanya ng Piña weaving industry sa Kalibo na pagmamay-ari ni Mr. Alan Tumbokon, ang nag-supply ng karamihan sa materyales na telang Piña at silk mula sa Negros Occidental.

Napag-alaman, ang pag-hahabi ng pinya ay tradisyon na sa Aklan na ipinasa sa susunod na mga henerasyon.

Suportado ng DTI ang Piña industry sa Aklan ga-yon din  ng  LGU-Kalibo at Aklan Piña Man-Tra Industry Association.

Ang hibla ay kinukuha mula sa mga dahon ng katutubong pinya na itinatali sa pamamagitan ng kamay at ang fiber ay mano-manong hinahabi hanggang maging tela na malambot at makinis.

Bukod sa isla ng Boracay, kilala ang Aklan sa Piña fiber na gumagawa ng mga elegante at kakaibang barong gayondin ang wedding gowns, balabal at iba pang kasuotan.

Kadalasang kinukuha ang native na pinya sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Balete, Madalag, Libacao, Malinao at sa Kalibo, Aklan.

Ang telang hinabi para sa APEC leaders at kani-kanilang mga asawa para sa kanilang simbolikong kasuotan, ay kombinasyon ng piña, abaca at cotton.

About jsy publishing

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *