Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, naiyak, tunay na ama ng anak muling inungkat

111715 Andi Eigenmann
UMIYAK si Andi Eigenmann pagkatapos ng press conference ng Angela Markado. Lumuha siya dahil sa awa n’ya sa anak n’ya na hanggang ngayon ay inuungkat pa rin kung sino ang ama—at hanggang ngayon ay itinatanggi ni Albie Casinio na anak n’ya.

Kami lang ng katotong Julie Bonifacio ang naging saksi ng pagluha na ‘yon ng aktres nang halos 10 minuto. May dalawang photographer na nakunan si Andi ng litrato noong nagpapahid na siya ng luha.

Kung matibay ang sikmura namin ng katotong Julie, kung makapal ang mukha namin, sana ay naisip namin agad na kunan ang tahimik na lumuluhang ina. Puwede naman namin siyang kinunan ng litrato gamit ang aming mga cellphone, pero pareho kaming nagulat nang bigla na lang nag-ulap at namula ang mga mata ni Andi. At maya-maya lang ay tahimik na siyang lumuluha. Pareho kami ni Julie na walang nakuhang litrato.

Actually, interview ‘yon ng katotong Julie. Mag-isa lang siya, at mag-isa lang din si Andi. Nakaalis na ang lahat ng co-stars n’ya. Nakisali lang kami sa interbyu.

Nagsimulang umiyak si Andi noong sinasabi n’yang itigil na sana ng kampo ni Albie ang pagsasabing hindi siya ang ama ng isinilang n’ya, dahil kailan ay hindi naman daw n’ya iginiit na siya ang ama ng bata.

Ang Angela Markado ay ang bagong pelikula ni Carlo Caparas. Bale re-make ito ng pelikula ni Lino Brocka noon na nagtampok kay Hilda Koronel bilang isang rape victim na ipinaganti ang nangyari sa kanya sa pamamagitan ng isa-isang pagpatay n’ya mismo sa mga nanggahasa sa kanya.

Sa Shangri-la restaurant nga pala idinaos ang presscon bilang pangalawang bahagi ng presscon ni Atty. Persida Acosta, ang chief ng Public Attorney’s Office. Nasa cast din ng Angela Markado ang magiting na abogada ng masa.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …