Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Thor, handa na sa The Big One: All Star Concert sa Nov. 27

070715 thor

00 SHOWBIZ ms mEXCITED na humarap sa amin si Thor dahil isang malaking concert ang handog nila para sa publiko, ang The Big One: All Star Concert sa November 27, 8:00 p.m. sa Ynares Sports Arena. Ito’y produced ng Philippine Red Cross-Rizal Chapter, at presented ng The Aqueous Events Management.

“Masaya ako rito sa The Big One Concert kasi nga ang proceeds nito ay mapupunta para sa disaster preparedness program. Marami kaming artists na kasama rito. Masaya ako dahil napasama ako,” pagbabalita ni Thor. “Isang gabing kantahan ito na marami ang susuportan.”

Ani Thor, hindi ito first time sa kanya para gumawa ng mga benefit show. “Active ako sa ganitong programa. Minsan nai-invite ng mga friend sa mga orphanage, mga may sakit na gagawan ng benefit show, ganoon,” ani Thor na nangangarap din palang magkaroon siya mismo ng sariling kawanggawa.

Madalas din daw kasi siyang nae-expose sa mga ganitong gawain tulad nang minsang may nag-invite sa kanya sa CRIB. “Medyo na-move ako noong makita ko ‘yung kalagayan ng mga baby roon. May mga rape victim din at sexually abused na parang, ‘wow! Grabe, mga bata pa sila pero ganoon na ang pinagdaanan nila sa buhay. Pero, masaya sila.

111415 big one concert

“Hopefully, makabalik ako roon at makatulong din sa mga tulad nila,” ani Thor.

Ang kikitain ng The Big One: All Star Concert sa Nov. 27 ay mapupunta sa Disaster-Preparedness Programs at Capacity-Building Initiatives ng Philippine Red Cross-Rizal Capter. Ito ay isang paraan ng PRC para pantulong sa mga kapwa Pinoy na makaka-encounter ng human challenges tulad ng bagyo, lindol, at iba pang sakuna.

Kasama rin sa konsiyertong ito sina Erik Santos, Richard Poon, Daryl Ong, Markki Stroem, Arron Villaflor, Richard Juan, Mikee Agustin, Suy Galvez, Moira Dela Torres, Upgrade, Bassilyo, Zendee Tenerefe, Monterozo Twins,Yexel Sebastian, Liezel Garcia, Gail Glanco-Viduya, Brenan Espartinez at marami pang iba.

Mabibili ang ticket sa SM Tickets outlets nationwide o tumawag sa 4702222.

Samantala, ang isa pang ikinasisiya ni Thor ay ang paglabas ng Christmas album ng Team Apl, under BMBX ni Apl de Ap, ang Voices of Christmas.

Ani Thor, isang collaboration ang Voice of Christmas ng Team Apl na tampok ang kapwa niya nasa Team Apl na sina Janice Javier, Moira dela Torre, Tristhan Perfecto, Jessia Reynosa, Alisah, Miguel Antonio, at Guji Lorenzana. “Dito lang kami nag-record walang time magpunta sa ibang bansa. Bale ang kanta ko rito ‘yung ‘Have Yourself A Merry Little Christmas’. Abangan n’yo rin yung collaboration namin ng Team Apl na ‘Little Drummer Boy’, napakaganda, at produced by Marcus Davis.”

Sa kabilang banda, sinabi naman ng PRC na “Like all Red Cross projects, this fund raising activity aims to help area in active faults to have massive information and education campaign to equip Filipino people early warning system that will play a vital role to reduce or to zero out casualties.

“We envision a nation that reaches out to one another, not only in disasters but also in our everyday lives. We are clamouring for widespread awareness that we can be ONE in saving lives, in giving hope, and in assisting those who are in need.”

Ang PRC-Rizal Chapter ay pinamumunuan nina Alfred Xerez-Burgos Jr, (chairman); Pilar Tan-Lee (treasurer); Hon. Guia Gomez (San Juan branch-honorary chairman); at Shirlie Bernabe-Alicante (administrator).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …