TIYAK na magugulat si Julia Montes sa pag-amin ni Sam Milby na during Mara Clara days ay naging crush niya ang dalaga.
“Sinabi ko talaga noon habang nandiyan siya (sa tabi). Totoo, noong ‘Mara Clara’ days ay sobrang crush ko si Julia pero sobrang bata siya noon. Wala, it’s nice to be working with her in ‘Doble Kara’,” say ni Sam na gaganap bilang isang guy na magpapari na na-involve sa character ni Julia.
“Since we will be working all the time, it’s nice to know more about her, her background and siyempre to learn from her as an actress din. Even though she’s still young she’s able to portray mature roles din,” say pa ng binata.
Actually, medyo nabakante si Sam sa showbiz. Nagpunta kasi siya sa US para mag-aral ng acting at nag-audition na rin doon sa Hollywood. Now that he’s back, he’s doing good. Kaliwa’t kanan ang kanyang projects. Katatapos lang ipalabas ang Pre-Nup movie niya, mayroon siyang Doble Kara at isa pang bagong teleserye and then may forthcoming concert pa siya.
Blessed ang ginamit na term ni Sam to describe his feelings now.
Ten years na si Sam sa showbiz and he jumpstarted his career nang mapasok siya sa Pinoy Big Brother.
UNCUT – Alex Brosas