Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 NPA patay, 2 sundalo sugatan sa enkwentro sa Sorsogon

PATAY ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawang sundalo ang nasugatan nang magka-enkwentro bago mag-6 a.m. kahapon sa baybaying bahagi ng Brgy. Tinago, Juban, Sorsogon.

Ayon kay Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines- Southern Luzon Command, 25 minuto tumagal ang bakbakan ng magkabilang panig.

Agad dinala sa Sorsogon Doctors Hospital ang dalawang nasugatang sundalo na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang AK50 rifles, isang kalibre 45 pitsola, dalawang laptop at iba’t ibang equipment.

Naglunsad na ng pursuit operations ang 903rd Infantry Brigade laban sa mga rebelde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …