Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinidnap na mayor ng Naga, Zambo Sibugay pinalaya

PINALAYA na ang dinukot na alkalde ng Naga, Zamboanga Sibugay na si Mayor Gemma Adana, nitong Martes ng umaga.

Ito ang kinompirma ng Joint Task Group Zambasulta ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Captain Roy Vincent Trinidad, dinala si Adana sa mismong bahay ni Sulu Governor Abdul Sakur Tan bago mag-alas syete ng umaga kahapon.

Agad sumailalim sa stress debriefing, trauma counseling at medical check up ang dinukot na alkalde.

Inaasahang dadalhin kahapon sa Zamboanga City si Adana para sa naghihintay na pamilya.

Sinasabing pinalaya ang alkalde dahil sa pressure sa military operations laban sa bandidong grupo.

Matatandaang dinukot ng limang armadong lalaki si Adana sa kanyang bahay noong Abril 6.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

San Rafael, Bulacan

Senior citizen na MWP,  2 pa nasakote sa Bulacan

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa municipal level kabilang ang isang senior citizen ang magkakasunod …

Bulacan spay castration Rabies Awareness Month

Bulacan PVO, pinangunahan ang nationwide spay at castration project ngayong Rabies Awareness Month

SA PAGDIRIWANG ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa …

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …