Tuesday , May 14 2024

PUJ lumundag sa Lagusnilad 12 sugatan

UMABOT sa 12 ang sugatan, kabilang ang driver, nang mahulog ang isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Lagusnilad underpass sa Padre Burgos Drive at Villegas St., Ermita, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Borbon, imbestigador ng Manila District Traffric Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman, ang driver ng jeep (TVY-585) na kinilala lamang sa alyas na Arman, may mga sugat din sa ulo at braso. Siya ay tumakas lulan ng isang pedicab patungong Divisoria.

Sugatan din sa insidente ng konduktor ng jeep na si Bryan Barquin, 29, ng 135 M. Ponce St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Kabilang sa mga pasaherong nasugatan sa insidente sina Kennedy Sol, 24,empleyado, ng 105-H Briones St.,7th Avenue, Caloocan City; Aldrin Ubueno, 42, vendor, ng 284 P. Gomez St., 10th Avenue, Caloocan City; at Mary Joy Oriarte, 23, ng 10 Narra St., Diliman ,Quezon City, pawang isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Barquin, mabilis ang takbo ng jeep at pagsapit sa lugar ay may isang ‘batang hamog’ na tumawid dahilan para iwasan ng driver.

“Kinabig daw sa kaliwa ‘yung manibela hanggang maramdaman nila na gumewang, bumangga muna sa poste at sa puno bago nalaglag nang pataob sa ibabang kalsada,” ayon kay SPO1 Borbon.

About Leonard Basilio

Check Also

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …

fire dead

Sa Pangasinan
LOLO NATUPOK SA SARILING  SIGA, PATAY

HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng …

Bulacan Police PNP

6 drug suspects timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang anim na indibiduwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Navotas

Bakuna vs Polio sa Navotas, umabot na sa 101%

NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *