Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fetus nilapang ng aso sa Cebu (Natagpuan ulo at braso na lang)

CEBU CITY – Iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang mga magulang ng isang fetus na natagpuan  sa  sakahan ng Sitio Upper Tak-an, Brgy. Budlaan, Lungsod ng Cebu kamakalawa.

Nabatid na tanging ulo at isang braso na lang ng fetus ang natagpuan ng grupo nina SPO2 Roy Jayme.

Sinasabing natagpuan ang fetus ng isang Medie Tejero, 40, nakatira sa nasabing lugar, habang hinahanap ang kanyang dalawang anak sa sakahan.

Nakita niyang may kinakagat ang aso na ulo at isang braso ng sanggol at wala nang katawan sa gilid ng puno ng saging.

Agad siyang tumawag sa kanilang barangay upang humingi ng assistance mula sa mga pulis.

Hirap ang mga awtoridad na matukoy kung ilang buwan gulang na ang sanggol dahil tanging braso at ulo na lang ang natagpuan.

Agad dinala ang nasabing fetus sa Cebu Rolling Hills Funeral Homes upang maayos na mailibing.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …