Sunday , December 22 2024

Tulak arestado, 29 sachet ng shabu kompiskado

LAOAG CITY – Nakompiska ng mga pulis sa lungsod ng Laoag ang 29 sachet ng shabu sa isinagawa nilang search operation sa isang bahay sa Brgy. 9 ng nasabing lungsod kamakalawa.

Kinilala ang may-ari ng bahay at subject ng operasyon na si Warren Agpaoa, may asawa, at residente sa naturang barangay.

Ayon kay Senior Insp. Danilo Pola ng PNP Laoag, bukod sa 29 sachet ng shabu, nakompiska rin sa loob ng bahay ng suspek ang isang kalibre .45 baril, 22 bala ng 9mm, at 33 bala ng kalibre .45.

Habang pinabulaanan ni Agpaoa na sa kanya ang mga nakompiskang droga sa loob ng kuwarto ng kanyang anak ngunit inamin niya na matagal na siyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, kinompirma ng asawa ng suspek na alam niya ang ilegal na aktibidad ng kanyang asawa at madalas din niyang pinagsasabihan na itigil na.

Aniya, tuwing tumitigil ang kanyang asawa sa pagtutulak ng droga ay muling hinihimok ang suspek ng kanyang mga pinsan.

Ang nakompiskang hinihinalang shabu ay hindi pa napulbos at kasinglaki pa ng mga butil ng mais at balatong.

Hindi pa matukoy ng PNP Laoag ang halaga ng mga nakompiskang droga.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *