Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, excited para sa 2016

032715 maricel s

00 SHOWBIZ ms mPINARANGALAN ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa katatapos na63rd FAMAS Awards bilang isa sa mga anim na Iconic Movie Queens Of Philippine Cinema na kasama niya sa espesyal na citation sina Gloria Romero, Susan Roces, Dawn Zulueta, Sarah Geronimo, at Nora Aunor.

Sa kurso ng kanyang kamangha-manghang karera bilang isa sa pinaka-versatile at accomplished actress sa kasaysayan ng Philippine entertainment industry, nagbida si Maricel sa humigit 100 na mga pelikula at ilang beses siyang kinilala bilang isang box-office queen at isa sa pinakamahusay na aktres sa industrya ng pelikulang Filipino.

Tinanggap ni Marya ang kanyang unang FAMAS Best Supporting Actress award noong 1984 para sa mahusay na pagganap sa classic tearjerker na Saan Darating Ang Umaga at patuloy siyang nagwagi ng tatlo pang mga awards bilang Best Actress para sa mga pelikulang Babaeng Hampaslupa (1989), Dahas (1996), at Nasaan Ang Puso (1998).

Habang nasa ceremony, hindi mapigilan ng award-winning actress ang kagalakan para sa recognition na ibinigay sa kanya. ”Wala akong maisip na salita para ipakita at ipadama sa iba ang kaligahayan na nararamdaman ko,” ani Maricel. ”I feel so blessed and humbled to be given the honor to stand beside such great actresses. Sobra akong inspired dahil sa award na ito na magpatuloy gumawa ng mga pelikula sa darating na mga taon.”

Nabanggit din ni Maricel na ipagdiriwang niya ang kayang ika-45  anibersaryo sa industriya sa 2016. ”Akalain ninyo na tatagal ako ng ganito? Talagang malaking blessing ito galing kay Papa God. Marami pa akong exciting na plans sa mga darating na taon, lalo na sa 2016. Hinding-hindi ako titigil dahil mahal na mahal ko ang ginagawa ko.”

Dahil napag-usapan na rin ang mga magagandang mangyayari sa taong 2016, tinanong si Maricel, na isa sa mga malaking bituin na sumuporta sa matagumpay na KeriBeks gay congress ni Korina Sanchez-Roxas noong Agosto, kung sinong Presidential candidate ang susuportahan niya sa nalalapit na national elections.

“Of course si Mar (Roxas),” diretsahang sagot ng orihinal na Taray Queen. ”Bakit si Mar? Eh gusto ko eh! Bakit mas marunong pa kayo sa akin? Hahahaha. Pero seriously, naniniwala ako sa kanya at sa   kakayahan niya.”

Ani Marya, nagkaroon siya ng oportunidad na makilala si Mar ng personal nang makausap ito sa ilang okasyon. ”Hindi siya magnanakaw at hindi siya maramot. Nauunawaan ni Mar ang sitwasyon ng iba’t ibang tao. Tiyak na magkakaroon ng maraming disente at maayos na trabaho ang mga tao. Ang mga call center na lang. Marami ang nagka-trabaho dahil dito at alam nating malaki ang role ni Mar kung bakit maunlad ang mga call center sa atin.”

Impressed din ang premyadong aktres sa credentials ni Mar. ”Cartwheel at tumbling ako sa rami ng mga nagawa ni Mar. Ako nga, marami ang humahamak sa akin dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero sa kabila ng aking kahirapan, ay nabuhay ko ang mga kapatid at mga anak ko. Eh achievement ko lang ‘yan ha, weh paano pa ‘yung mga nagawa ni Mar? Nakakaloka talaga siya,” giit pa ni Marya.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …