Sunday , December 22 2024

P5-M shabu, baril kompiskado sa Sariaya OPS

0924 FRONTNAGA CITY – Aabot sa mahigit P5 milyong halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng baril at bala ang nakompiska sa tatlong lalaki sa operasyon ng mga pulis sa Brgy. GuisGuis Talon, Sariaya, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Reysol Paderon, Roderick Remo, 42-anyos, at Francia Concepcion, 24-anyos.

Ayon sa ulat, naaktohang sumisinghot ng shabu ang mga suspek sa bahay ni Paderon.

Hindi nakapalag pa ang tatlo nang dumating ang mga awtoridad.

Nakuha mula sa kanila ang 219 piraso ng shabu na may timbang na 476 gramo at may street value na P5,236,000.

Bukod sa droga, nakuha rin mula sa sa pag-iingat ng mga suspek ang isang calibre-45, walong magazine, 92 bala ng caliber-45, 33 bala ng caliber-38, drug paraphernalia at perang nagkakahalaga ng P234,000.

Sinasabing matagal nang under surveillance ang tatlo at sa pagkakataong ito ay tuluyan nang napasakamay ng pulisya.

Nakakulong na sa Sariaya Municipal Jail ang tatlo at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 12 at 15 ng RA 9165.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *