Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puso sa team Pilipinas sa Solar Sports ‘Fit to Hit’ beach volley

092315 Solar Sports Fit to Hit beach volley

PANGUNGUNAHAN ng tatlong team ng Pilipinas ang Solar Sports ‘Fit to Hit’ Invitational Beach Volley tournament na gaganapin sa SM Mall of Asia sa susunod na buwan.

Ang dalawa sa tatlong team ay kinabibilangan nina Bea Tan at Lindsay Dowd na bumubuo ng unang team at Charo Soriano at Alexa Misec para sa ikalawa. Ang ikatlong team ay ipinoproseso pa kung sinong mga manlalaro ang lalahok.

Ayon kay Ralph Roy ng Solar Sports, layunin ng torneo na makatulong sa pagsulong ng beach volleyball bilang isa sa pangunahing sport sa bansa bukod sa pla-nong magsagawa din ng opisyal na circuit para magsilbing training ground para sa mga lokal na atleta.

Bukod sa tatlong team ng Filipinas, lalahok din sa kompetisyon ang lima pang mga koponang nagmula sa Malaysia, Hong Kong at New Zealand. Top seed dito ang mga Kiwi habang pumapangalawa naman ang team ng Malaysia.

Magbibigay ang Solar Sports ng kabuuang cash price na US$19,000 para sa mga magwawagi. Hahatiin ang walong koponan sa dalawang grupo para sa round robin competition saka dadaan sa crossover matches sa quarter finals hanggang makaabot sa finals na maglalaban ang apat sa nangungunang team.

“We are very excited to join the tournament and we will give our best to perform well for the (Philippines),” punto ni Tan at Dowd, na parehong Fil-American volleybelles na mula pa sa San Jose, California.

Ayon kina Soriano at Misec, nakapagpapakaba ng loob ang torneo dahil lalahukan ito ng ilan sa mahuhusay na team sa Asya kaya kailangan nilang paghandaan itong mabuti.

“We have to give our best performance … pero kaya namin ‘to basta my puso!” wika ng dalawa.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …