Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KWF lalahok sa 36th MIBF!

TAMPOK sa 36th MIBF ang Mga Piling Tula ni Jaroslav Seifert na isinalin ng mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at inedit ni Giancarlo Lauro Abraham V.

Si Seifert ang kauna-unahang Czech na nagkamit ng Premyo Nobel sa lárang ng panitikan.

Kasabay rin na ilulunsad sa nasabing pagtitipon ang aklat na  Ang Metamorposis ni Franz Kafka na isinalin ni Prop. Joselito D. Delos Reyes ng Unibersidad ng Santo Tomas, at kabilang sa proyektong Aklat ng Bayan ng KWF.

Ang ANB ay serye ng publikasyon ng KWF na ang layunin ay maibahagi ang mga makabuluhan at napakahalagang karunungang pangwika na nakaugat sa kultura at kasaysayan. Mithiin ng KWF na makapaglimbag ng mga akademikong saliksik gamit ang wikang Filipino na makaaambag sa lárang ng edukasyon sa Filipinas.

Ang ANB ay bahagi ng isang pangmatagalang proyekto ng KWF na naglalayon na makapaglathala ng mga publikasyon na makaaambag sa karunungan ng bawat Filipino na magbibigay-diin sa kaniyang pagkakakilanlan bilang isang Filipino.

Mahigit 20 ang publikasyon na may iba’t ibang saliksik sa iba’t ibang larang. Ilan sa mga aklat na ito ang pagsasalin ng mga panitikan ng Filipinas, salin ng mga saliksik, at salin ng mga klasikong akda mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ilan sa ANB ay Buhay at Kulturang Filipino ni Norberto L. Romualdez;  Napapanahong Panlipunang Pilosopiya ni Manuel Dy Jr.; Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mabini; Atlas ng mga Bansa sa Mundo; Pitong Kuwento ni Anton Chekhov; Dandaniw Ilokano; Gitanjali ni Rabindranath Tagore; Niyebe ng Kilimanjaro ni Ernest Hemingway;  Ang Metamorposis ni Franz Kafka; Ang Republika ni Mabini; Manwal sa Masinop na Pagsulat, at Introduksiyon sa Pagsasalin.

Maaaring makabili ng mga publikasyon ng ANB sa  2F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St., San Miguel, Lungsod Maynila. Para sa kaukulang tanong,  tumawag sa (02) 736- 2524; lokal 101 at hanapin si Liwayway Rivera. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …