Friday , November 15 2024

Pinabilis na annulment sa kasal ni Pope Francis idinepensa ng CBCP

IDINEPENSA ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang hakbang ni Pope Francis na pagpapabilis ng proseso sa annulment ng kasal ng mga naghihiwalay na mag-asawang Katoliko.

Ayon kay CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates “Soc” Villegas, ang reporma na ipinatutupad ng Santo Papa ay nagpapatunay lamang na ang kanyang liderato ay nakasandal sa “mercy and compassion.”

Tinawag pa niya itong “dramatic” at “fresh air” sa panahon ngayon ng Simbahan.

Ito ay dahil ang proseso sa annulment ng kasal ay ginawa nang simple at pinaiksi ang proseso.

Aniya, ang Apostolic Letter ni Pope Francis na pinamagatang “The Lord Jesus, Clement Judge” ay nagpapakita nang pagnanais niya na abutin ang mga taong nahihirapan sa “invalid marriages.”

Ngunit sa likod nang obligasyong ito, walang matatawag na tunay na kasal dahil hindi nakapaloob ang requirements para matawag na balido ang naganap na kasalan.

Sa kabila ng utos ni Pope Francis, binigyang-diin ni Bishop Soc na ang aral sa sakramento ng kasal ay hindi nagbabago.

Ang doktrina aniya ng Simbahan sa pagiging banal ng kasal at pamilya ay hindi rin nagbabago.

Ang deklarasyon nang pagpapawalang bisa ng kasal ay hindi matatawag na divorce.

About Hataw

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *