Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, ginaya ang pamimigay ng pera ni Willie

090215 vice ganda willie revillame

NA-INSPIRE ba si Vice Ganda sa Wowowin host na si Willie Revillame? Ginagaya na rin kasi niya ang ginagawa ni Kuya Wil.

Nagiging matulungin na rin siya sa mga audience ng It’s Showtime. Bagamat kinu-question ng ilan ang sincerity ni Vice sa pagtulong, ang importante  ay may mga tao siyang napapasaya at natutulungan.

Kesehodang intrigahin pa siya na gumagawa ng pasabog dahil sa Aldub fever na katapat ng program nila.

Kahit ano pa ang sabihin ng detractors niya, havey talaga ang effort ni Vice at pagpapa-good vibes. August 20 nag-start ang good vibes sa It’s Showtime.

Nagkaroon siya ng  HorseBeks Riding N Tandem (online- Youtube na umabot na ng 561,000 plus views). Sumakay si Vice sa taxi, nag-interview siya ng driver si Tatay Edmond at binigyan ng cash.

Nagpa-goodvibes din siya kay Ate Melody (It’s Showtime). Dinala niya si Ate Melody sa idol niyang si Kris Aquino sa Kris TV na naroon sina Julia Montes, Erich Gonzales, atK Brosas.

Nagpa-goodvibes din siya kay Kuya Neil Vistal (Sine Mo ‘To contestant). Binigyan niya ito ng ABS-CBN TV Plus.

Isa pang studio audience sa It’s Showtime ang pinasaya niya sa katauhan ni Pia Bonifacio. Nakipag-swap siya dahil pinalitan niya ng branded bag ang bag ni Pia.

Nakipag-bonding din si Vice sa isang blind girl na si Maria Failene. Isa rin siya sa audience ng kanilang noontime show. Dinala niya ito sa Mc Donald at binitbit din sa bahay niya para mag-swimming at kumanta sa karaoke.

Umabot ng mahigit 100,000 likes sa ipinost na litrato ni Vice Ganda.

Kaysa makipagtalbugan si Vice sa Aldub, mas iniisip na lang niya ngayon kung paano isi-share ang blessings at kung paano mapapasaya ang mga manonood ng It’s Showtime.

Eh, di wow!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …