Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bata, tiyahin 1 pa nilapa ng asong ulol (Sa Aklan)

0823 FRONTKALIBO, Aklan – Apat katao kabilang ang dalawang batang magkapatid ang magkakasunod na nilapa ng isang naulol na aso sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan kamakalawa.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Renz Valencia, 12, at Mary Joy Valencia, 10, gayondin ang kanilang tiyahin na si Mylene Villorente, 38, at Danny Zoleta, 48, isang magsasaka, pawang mga residente sa naturang lugar.

Agad dinala ang mga biktima sa Aklan Provincial Hospital upang masuring mabuti ang kanilang kalagayan at maturukan ng anti-tetanus at anti-rabies.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, papauwi sila sa kanilang barangay mula sa Hilwan, Tapaz, Capiz dala ang kanilang kalabaw nang makasalubong ng magkapatid ang malaking asong ulol na agad sumalakay at kumagat sa kanila.

Unang nakagat sa kaliwang braso si Joy na mabilis na nakaakyat ng puno sa tulong ng kanyang kuya.

Kasunod na sinalakay si Renz na napuruhan at kinagat ang kanyang kanang braso na halos matanggal na ang laman gayondin sa kanyang pisngi, dibdib at likod.

Nang makita ng kanilang tiyahin ang paglapa sa kanyang pamangkin, tinaga niya ang aso nang tatlong beses ngunit hindi ito tinablan kaya tinangka siyang sakmalin sa leeg ngunit naharang niya ng kanyang kaliwang kamay.

Samantala, naglalakad pauwi sa kanyang bahay ang magsasakang si Zoleta nang makasalubong ang asong ulol na namumula ang mga mata at naglalaway, at agad kinagat ang kanyang kaliwang braso.

Nagkataong may dala siyang espada kaya tinadtad niya ng taga sa ulo ang aso na nahati sa dalawa.

Napag-alaman, nilapa rin ng naturang asong ulol ang iba pang aso sa kanilang barangay at iba pang alagang hayop tulad ng kambing dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …