Sunday , December 22 2024

4 bilanggo sa SoCot jail bigong pumuga

KORONADAL CITY- Apat bilanggo sa South Cotabato Provincial Jail sa Brgy. GPS, lungsod ng Koronadal ang nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na bakod ng nasabing piitan pasado 10 a.m. kahapon ngunit nabigo sila.

Dalawa sa nagtangkang tumakas ay kinilalang sina Jeffrey Cabrera, residente ng bayan ng Polomolok, may kasong robbery, at Jonathan Camdong, residente ng Maguindanao, nakompiskahan ng pampasabog at patalim, nakatalon sa mataas na pader ngunit hinabol at nahuli ng jail guards.

Habang napigilan sa pagtalon ang dalawa pang mga preso na sina Reymark Bersola, may kasong robbery with use of force, at Jay-ar Tipito, may kasong robbery with homicide.

Magkakasama sa isang selda ang apat na bilango at nagplanong tumakas nitong Linggo dahil araw ng dalaw at abala ang iba pang preso at jail guards.

Pinagdugtong-dugtong nila ang kanilang mga kumot at nilagyan ng bakal sa dulo at ito ang ginamit upang makaakyat sa mataas na pader para makatalon sa mga palayan sa likod ng piitan.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *