Sunday , December 22 2024

Isyu ng Torre de Manila haharapin ko — Lim

erap lim torreTINIYAK ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na haharapin niya ang mga kaso kaugnay sa ibinigay na permit kaya naitayo ang kontrobersiyal na Torre de Manila condominium na tinaguriang ‘pambansang photobomber.’

Sa ginanap na ika-apat na oral argument sa petisyon ng Knights of Rizal laban sa konstruksiyon ng Torre de Manila, nagpahiwatig si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na maaaring makasuhan si Lim sa pagbibigay ng permit sa condominium project ng DMCI.

Sa panayam ng programang Hataw sa Balita at Komentaryo sa DWBL 1242kHz kahapon, sinabi ni Lim na lahat ng requirements ay naisumite ng DMCI kaya niya inaprubahan ang pagtatayo nito.

Wala rin aniyang paglabag sa National Building Code ang 49-storey Torre dahil hanggang 60 palapag ang itinakdang taas ng gusali sa batas.

Binigyan-din aniya ng height clearance ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang DMCI na pumapayag sa konstruksyon ng 165-metro kataas na gusali sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Naninindigan si Lim na mas makapangyarihan ang national law kaysa City Ordinance No. 8119 na nagtatakda nang hanggang pitong palapag lang ang puwedeng itayong gusali sa Maynila.

Giit ni Lim, bago itayo ang Torre ay hindi naman kumontra ang National Heritage Commission of the Philippines (NHCP), National Commission on Culture and the Arts (NCAA) at maging ang Knights of Rizal.

Nauna nang inihayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na walang partikular na batas na nagbibigay proteksiyon sa “background sight line” ng isang monument at nagtatakda ng patakaran sa paggamit ng tao sa kanyang private property rights.

“Under the Constitution, what is not prohibited by law is allowed. To deprive someone of property, there must be due process,” ani Carpio.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *