Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 opisyal ng state university sinibak (Sa Bulacan Madlum river tragedy)

0819 FRONTSINIBAK sa puwesto ang siyam matataas na opisyal ng Bulacan State University (BSU) makaraan ibaba ng Office of the Ombudsman ang hatol na guilty sa kasong administratibo kaugnay sa pagkamatay ng pitong tourism students sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan noong Agosto 19, nakaraang taon.

Batay sa 12 pahinang desisyon ng Ombudsman, guilty sa kasong grave misconduct at gross neglect of duty ang siyam na mga opisyal ng naturang unibersidad.

Ang mga hinatulan ay sina Dr. Mariano de Jesus, presidente ng BSU, at mga opisyales na sina Nicanor Dela Rama, Nerisa Viola, Angelina Cinco, Mary Jane Lopez, Angeline Dy Tioco, Leslie Garcia, Reynita Del Fonso at Rosette Tanwangco.

Sila ay pinatawan ng parusang ‘dismissal from the service, cancellation of eligibility, perpetual disqualification from holding public office, forfeiture of retirement benefits and bar from taking civil service examinations.’

Napatunayan ng Ombudsman na hindi sinamahan ng isa mang guro mula sa BSU ang mga kabataang mag-aaral sa pag-akyat sa Madlum Cave at Madlum River noong kasagsagan ng field trip.

Isa rin sa naging basehan sa hatol ng Ombudsman ang paglabag ng BSU officials sa ipinatutupad na ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan ukol sa field trip.

Gayondin, walang ‘approval’ ang ginawang biglaang pagpapapalit ng field trip itinerary ng mga mag-aaral, imbes na umaga ang pagtungo sa lugar ay nalipat sa hapon.

Sinasabing lumabag din ang mga opisyal at guro ng BSU sa kanilang tungkulin bilang mga pangalawang magulang ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang nasabing field trip.

Ayon kina Atty. Jeric Degala at Atty. Juvic Degala, abogado ng pamilya ng mga biktima, sinabi sa desisyon ng Ombudsman ang immediate implementation ng parusa at inatasan ang CHEd para sa pagpapatupad ng desisyon.

Bukod sa kasong administratibo ay may nakahain sa mga naturang opisyal na mga kasong multiple counts ng reckless imprudence resulting to homicide and psychological trauma; multiple counts ng paglabag sa RA 7610 (Child Abuse); at paglabag sa RA 3019 (Graft and Corruption) sa Ombudsman.

Bukod kina De Jesus at walong opisyales, kabilang sa mga kinasuhan si Erwin Valenzuela, ang may ari ng Adventours, dalawa pang estudyante ng BSU na nagsilbing gabay o tour guide mula sa College of Tourism ng BSU, at tatlong Madlum tour guide mula sa Brgy. Sibul na kinaganapan ng insidente.

Matatandaan, nalunod ang mga estudyanteng sina Madel Navarro, Maico Bartolome, Mikhail Alcantara, Sean Alejo, Helena Marcelo, Jeanette Rivera at Michelle Ann Rose Bonzo sa flashflood habang tumatawid sa Madlum River.

Micka Bautista/Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …