Sunday , December 22 2024

Butz Aquino pumanaw na

Pumanaw na si dating Sen. Agapito “Butz” Aquino, 76.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Sen. Bam Aquino, binawian ng buhay ang dating senador dahil sa kom-plikasyon habang nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Si Aquino dalawang terminong nagsilbi bilang senador.

Si dating Sen. Butz Aquino ay kilala noon na malamig sa politika at walang balak na kumandidato dahil sa paniwalang ang politika sa Filipinas ay para lang sa mayayaman.

Para kay Aquino, mabagal din ang sistema ng gobyerno sa pagbigay ng basic services sa mga tao.

Ngunit nagbago ito nang paslangin ang kanyang kapatid na si dating Sen. Ninoy Aquino Jr., sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung noon ay hindi bumilib sa mga sakripisyo ng kapatid niyang si Ninoy ngunit nang paslangin, sumidhi ang kanyang pagnanais na bigyan ng hustisya at ituloy ang ipinaglalaban ng kapatid. Dahil dito, kanyang binuo ang August Twenty-One Movement at Bansang Nagkakaisa sa Diwa at Layunin at nag-organisa ng mga pag-aaklas laban sa Marcos regime.

Noong 1986 EDSA Revolution, si Sen. Butz ang pinakaunang figure na lantarang nanawagan sa publiko na magtipon sa Isetann Department Store at magmartsa patungo sa mga kampo ng militar upang kombinsihin ang mga sundalo na tumalikod kay Marcos.

Makaraan ang dalawa at kalahating taon na pamumuno sa pag-aaklas sa mga lansangan, nagdesisyon si Aquino na kumandidato sa pagka-senador at nanalo noong 1987 hanggang 1995.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *