Sunday , December 22 2024

Debate para sa 2016 polls suportado ni Miriam

SUPORTADO ni Sen. Miriam Dafensor-Santiago ang binabalak ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng presidential debate para sa mga kandidatong kalahok sa 2016 national elections.

Ayon kay Santiago, makatutulong sa mga botante ang debate ng mga kandidato kung sino ang nararapat sa bawat posisyon sa darating na halalan.

“A debate format among presidential and vice presidential candidates would test who among these candidates is most fit for the position they are running for,” wika ni Santiago.

Nabatid na taon 1992 pa huling nagsagawa ng presidential debate ang Comelec sa panahong tumakbo rin si Santiago bilang pangulo at nakatunggali si dating Pangulong Fidel Ramos.

Panukala ng senadora ang pagkaroon ng Presidential Debate Commission na kinabibilangan ng anim na miyembro mula sa public at private sector.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *