Sunday , December 22 2024

1 patay, 7 arestado sa drug raid sa Navotas

PATAY ang isa habang pito ang naaresto sa pagsalakay ng pinagsanib na mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Unit (SAID-SOU), Follow-Up Section at Station Intelligence Unit sa isang drug den sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center  si Mercury Rodrigo, 31, ng Pier 1, Navotas Fish Port Complex, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo, dibdib at paa makaraan mang-agaw ng baril sa isang pulis.

Habang kinilala ang mga nadakip na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act na sina Alexander Dela Cruz, 31; Cedric Balboa, 21; Benedicto Venezuela Jr., 28; Lolito Vista, 43; Rogelio Ramirez, 21; Albert Marquez, 18; Ruby Albertia, 46, pawang mga residente ng Market 3, NFPC, Brgy. North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO2 Exequiel Sangco, dakong 8:30 p.m. kamakalawa sa pagsalakay ng mga awtoridad sa nasabing lugar, nahuli sa akto ang walong suspek habang humihithit ng shabu.

Agad silang inaresto ng mga pulis ngunit dakong 3:30 a.m. kahapon nang dadalhin na ang mga suspek sa crime laboratory upang isailalim sa drug testing, biglang inagaw ni Rodrigo ang baril ni PO1 Rolando dahilan para sila magpambuno.

Bunsod nito, naalerto sina PO2 Rollie Ballena at PO3 Allan Torregosa na nasa labas ng sasakyan at agad pinaputukan si Rodrigo na tinamaan sa ulo, dibdib at paa na kanyang ikinamatay.

Batay sa record ng pulisya, suspek si Rodrigo sa pagpatay sa isang pulis nang magsagawa ng raid sa nasabing lugar tatlong buwan na ang nakararaan.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *