Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michelle Gumabao, TV guestings ang inaatupag

081315 michelle gumabao
NAKAUSAP namin ang volleyball player na si Michelle Gumabao kamakailan tungkol sa mga susunod na plano niya habang wala pang sinasalihang torneo.

Ani Michelle, naging guest siya sa programang No Harm No Foul sa TV5 na kasama niya ang ilan pang volleyball players na sina Aby Marano at Melissa Gohing.

Enjoy si Michelle sa taping ng show dahil nagkabiruan silang tatlo kasama ang mga PBA players na sina Gary David, Beau Belga, Kiefer Ravena, at Willie Miller sa bagong sitcom tuwing Linggo ng gabi.

Bukod pa rito, may iba ring guestings si Michelle sa ABS-CBN dahil doon siya nakakontrata pagkatapos ng pagiging housemate niya sa Pinoy Big Brother noong 2013.

Pero nilinaw ni Michelle na hindi pa niya tinalikuran ang volleyball a naghahanda na siya para sa susunod na torneo ng Philippine Super Liga para sa kanyang team na Philips Gold.

Busy din si Michelle sa pagtuturo ng volleyball sa mga bata at balak niyang sumali sa grupong Athletes in Action para maisakatuparan ang mga susunod pang plano.

 

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …