Friday , November 15 2024

1 patay, 17 sugatan sa van vs truck

HINDI na umabot nang buhay sa Bulacan Medical Center ang isang babaeng call center agent habang 17 katao ang malubhang nasugatan makaraang bumangga sa isang nakaparadang forwarder truck ang isang UV Express sa bahagi ng Northbound lane sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa nasasakupan ng bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan. 

Kinilala ang namatay na biktimang si Angel Michaela dela Cruz, 18, call center agent, residente sa Brgy. Mojon sa Lungsod ng Malolos.

Kabilang sa 17 sugatan ang driver ng van na si Ali Cruz, 38, at cameraman ng Kapuso network na si Mark Lester Mangalonzo, 30, residente sa bayan ng Calumpit. 

Ang mga sugatan ay dinala sa Jose Reyes Memorial Hospital, Sacred Heart Hospital, Capitol Medical Center, at Bulacan Medical Center.

Daisy Medina

About Hataw

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *