Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

21 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

KINOMPIRMA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na dalawang bus at isang taxi ang nagkarambola sa may bahagi ng East Avenue, Quezon City kamakalawa.

Nasa 21 katao pawang mga pasahero ng bus ang sugatan na agad isinugod sa pinakamalapit na hospital sa lugar.

Ang dalawang bus na nasangkot sa banggaan ay ang Nova bus at Worthy bus transport.

Batay sa report ng MMDA, pagdating sa lugar ng kanilang mga enforcers ay tumakas na ang driver ng dalawang bus.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan nang tumakas na mga driver habang iniimbestigahan ng QCPD ang nasabing insidente.

Jeep swak sa dagat 1 kritikal, 28 sugatan

ZAMBOANGA CITY – Nag-overshoot at nahulog sa dagat ang isang pampasaherong jeepney sa Zone 1, Brgy. Sinunuc, Zamboanga City dakong 3 p.m. nitong Sabado.

Ayon sa imbestigasyon, 28 pasahero ng jeep ang sugatan sa insidente habang isa ang kritikal ang kalagayan, ayon kay Dr. Rodelin Agbulos.

Ang naturang jeepney ay may plate number na JVX-846 (yellow plate), L300 flat type, kulay green.

Inihayag ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco, ang nasabing mga biktima ay tatanggap ng medical assistance.

Sa ngayon, inaalam pa ang kalagayan ng iba pang mga pasahero ng naturang sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …